Imbak para sa Nobyembre, 2007

29
Nob
07

Oplan Isnabero

Sa wakas! Good news!

Habang inaabangan ko ang pilot episode ng Born to be Wild sa late night TV… Me balita tungkol sa Oplan Isnabero.

Ito yung proyekto ng DOTC-LTFRB ngayong December. Sumbungan ng mga pasaherong banas na sa mga mayayabang na taxi drivers… Yung mga buwitreng namimili ng ruta porke napakaraming naghahanap ng masasakyan sa malls. Buti nga sana kung pakikiusapan ka ng matino eh, kaso yung iba, talagang bastos. Porke no can do ang way mo, bigla na lang aabante, kulang na lang magulungan paa mo. At least have the decency to say No politely, di ba?

Tagal ko nang gustong rumesbak sa mga lintek na mga drayber na yan eh, trabaho naman nilang magsakay. Walang pilian dapat, pucha, sana nag-bus driver na lang kayo kung ayaw niyong napapalayo… At least para kang robot, nakatalaga na yung ruta niyo.

Para sa ikabubuti ng lahat, eto number ng DOTC-LTFRB HOTLINE:

7890

Sana nga me katuturan ang hotline na ito. Pramis, susulitin ko ‘to.

Humanda kayo mga isnabero!

27
Nob
07

Dalaw

Nagising ako ngayon ng may kakaibang feeling na dapat mai-share sa blog. Ewan ko kung naranasan niyo na rin ito, pero di ba may paniniwala tayo na kapag napanaginipan mo ang patay, ibig sabihin, dinadalaw ka niya?

Puwes, me bisita ako, ngayon-ngayon lang.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Dalaw’

26
Nob
07

Tag-ina!

Wala na akong maisip na creative title…  Hehehe… Bihira lang akong pumatol sa tags, pero dahil mabuting tao ang nag-tag sa akin, I just can’t say no… ;)

Galing kay Doc Joy:

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Tag-ina!’

23
Nob
07

From Davao… with Lab…

Langya… pumunta-punta pa ko sa internet cafe para lang mag-email, tapos pagpasok-pasok ko sa hotel room ko, mamukat-mukat niyo… me wifi!!! nakaw sa kabilang hotel… ilang oras pa man din ako nangangarag mag-konek sa baba… putek. muntik na akong magbayad ng 500 para lang sa prepaid nitong hotel namin (globequest), tapos malaman-laman ko… haaayyy… sana tulog na ako ngayon di ba?

nway, mahal pa rin ako ni papa jesus… ngayon naiintindihan ko na… hay, ibang klase ka talaga mag-joke!!!

pero tenchu po… natupad pa rin… at salamat sa mga nagdasal… =)

siya, tulog na ako. balik-maynila na mamaya… zzzz…

21
Nob
07

Ako naman ang emo ngayon.

Paisa lang o.

Kung puwede lang manapak, mangarne ng tao, magmura, maglaslas… Hindi ko alam kung paano ko isusulat, pero gusto ko lang ilabas. Nang kapag ok na ako, pagtatawanan ko na lang to.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Ako naman ang emo ngayon.’

20
Nob
07

Iniinsomnia na naman si Lenggai!

Ahhhh… Mag-iisang oras na akong nagpapalipat-lipat sa dalawang blog ko.

It’s official: Adik-adik na nga ako dito.

Pero wala akong matinong pang-blog ngayon eh. Wala ako sa mood magpatawa o magdrama.

Gusto ko lang magkuwento.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Iniinsomnia na naman si Lenggai!’

19
Nob
07

May Na-meet Akong Ma-”L” sa Puerto Galera

Hi! Na-meet ko si Lenggai sa shoot niya kanina sa Mindoro. Obvious naman na type niya ‘yung dalawang poging foreigner na kasama ko sa haws, pero ewan kung bakit ako ‘yung kinunan niya ng litrato. Hindi pala ito ang best angle ko ha, pasensya na kayo hindi ako mapakali kanina. Shy type kasi ako.

Babala sa Gurls:

MAHILIG AKO SA SEX.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘May Na-meet Akong Ma-”L” sa Puerto Galera’

17
Nob
07

Project Lafftrip Laffapalooza

Pucha. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ilang buwan pa lang naman akong nagbla-blog. Sa katunayan, ngayong Nobyembre lang naman talaga ako nagsimulang mag-seryoso sa paga-update nito. Simula nung sumali ako sa WPP.

Kung napansin ng mga kaibigan ko, dati, ang baduy-baduy pa nga ng format ng blog ko. Hindi ko sinasabing magara na siya ngayon ha. Pero kahit pa. At least, mukha na siyang blog ngayon. Hindi freedom board ng Emo na high school student.

Sa pag-uudyok ng aking paboritong blogger na si Badz, papatulan ko na ‘yung proyekto niya. 

Pasensya na, Koya… Virgin pa ko rito. Konti pa lang din ang blogfriends ko (Malamang kasi hindi talaga ako pala-comment pag di ko talaga trip?). Kaya ang inonominate kong blog, ‘yung mga tumatak sa isip ko dahil napapatawa talaga nila ako:

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Project Lafftrip Laffapalooza’

16
Nob
07

Tenchu, Papa Jesus!

Salamat Papa Jesus at ang lamig, lamig, lamig, lamiiiggg na!!! Dahil dito, naging masarap po ang dalawang araw kong pagbubuhay-baboy, obvious naman po sa walang kapoise-poise na litratong ito:

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Tenchu, Papa Jesus!’

14
Nob
07

Ang Berday Wish Ko Sa’yo…

Gusto kitang ibili ng cellphone. Yung bagong modelo. Di bale nang puro gasgas yung cellphone ko, basta ‘yung sa’yo bago. Ano’ng gusto mo? P-1? Sabihin mo lang sa akin, your wish is my command!

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Ang Berday Wish Ko Sa’yo…’




Fans ko sa ngayon...

  • 7,697

 

Nobyembre 2007
L M M H B S L
« Okt   Dis »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.