Paskong-pasko, sumasagot ako ng tag… Kung di lang talaga dahil sa paanyaya ng aking pinakamamahal na blag prend, Jon Cab, malamang ay nasa dreamland na ako sa mga oras na ito…
In fairview, nung simulan ko nang ilatag ang mga laman ng bag ko, naaliw naman ako kasi ngayon ko lang talaga na-analyze ‘to…
Therapeutic din para sa akin ang pag-aayos ng bag. Alam ng barkada ko ‘yan, nung una, naiilang sila kapag ginagawa ko ito sa public place, pero nung kalaunan, deadma na. Kahit kasi nasa kapihan ako o nasa foodcourt, kapag magulo ang utak ko’t kelangan ko ng clarity at sense of organization, ikakalat ko na lang yung mga gamit ko’t magpapapagpag ng looban ng bag… Kakaibang ginhawa ang nararamdaman ko kapag malinis na’t tanggal ‘yung excess baggage sa laman ng bag ko.






Comments, Violent Reax...