Imbak para sa Hunyo, 2007

03
Jun
07

My First Gay Hook-up

I’m a hook-up virgin. And Friday night, I experienced my first successful hook-up. Yun nga lang, hindi ako ang malibog na umuwing may ka-hook-up. Yung friend ko. At bakla siya.

Nagsimula ang lahat sa isang random night out. Friday yon, wala akong segment na eere sa Sabado, therefore, walang editing. Walang trabaho.

Dalawa lang kami ng bespren kong bading. Dun kami tumambay sa aming usual hangout: Starbucks-Cubao. Paborito namin ang lugar na yon dahil bukod sa piyesta para sa kanya ang mga nagkalat na bading sa paligid, enjoy din ako sa panaka-nakang cute na barista (take note: lalaki). Masarap ding umorder ng mainit na mainit na tsokolate— pang-props.

Free for all ang kuwentuhan, tungkol sa: buhay namin… buhay ng ibang tao… trabaho… sex… o ang kawalan nito… lalaki… pamilya… nakaraan (tumatanda na nga kami)… lalaki… sex… at ang kawalan pa rin nito…

Ordinaryo lang sana ang gabing iyon para sa amin, nang batiin siya ng kanyang high school friend… na bading din.

Nakitambay sa table namin si high school friend. Ayos lang kasi nasa PR mood naman ako noon. Nakakatawa lang kasi si high school friend, crush ko nung college kami. Siya yung tipong nakita mo sa isang event, eh cute, tapos nginitian ka ng random na ngiti, tapos crush mo na. Nagulat pa ko nang mabalitaan ko sa bespren ko na ang makisig na high school friend niya, bakla pala. Nung mga panahong yon, laking pasasalamat ko na hindi ko sineryoso yung paghanga ko sa kanya.

Anyway, medyo weird pa rin nang makita ko ang OUT version ni high school friend. Medyo nanghinayang pa rin ako para sa aming mga sang-kababaihan kasi cute pa rin siya, kahit medyo tumaba.

Lumipas ang gabi namin kasama si HSF (High School Friend) at BHSF (Bespren ni High School Friend, jumoin din sa amin). May bago pa nga akong term na natutunan sa kanila: Lola. Ibig sabihin, bakla. Haller? Bago ba yun?

Ordinaryo nga lang sana ang aming gabi nang mag-text sa akin ang bakla ko ring kaopisina:

Shet, gusto ko nang magka-baby!

Or something to that effect. Ang punyeta. Nililibog ata. tatanungin ko na sana kung anong klaseng punla ang balak niyang isabog: me batik o yung isang kulay lang?, nang umentra sa pandinig ko ang palitan nina HSF, BHSF at nang bespren ko:

HSF: Ok na yan, lamang tiyan din yan…

Bespren: Ano ka ba? Ang baba talaga ng taste mo!

HSF: I haven’t had sex in 16 months!

BHSF: Hay naku, tumigil ka nga sa kalibugan mo! Uuwi ka sa amin!

HSF: Hay inaantok na ako… (may dumaan na kamukha ni Garduce) Ayan, lamang tyan din yan!

Bespren at BHSF: Hay (pangalan ni HSF)! Tumigil ka!

Alam ko na ang solusyon sa problema ng taglibog kong kaopisina: May ipapakilala ako sayo, naghahanap ng ka-sex. Gusto mo? Punta ka dito.

Nai-press release ko na rin naman sa mga kasama ko na may ka-text akong kaopisina na depressed noong mga sandaling iyon. And to make a long story short, wala pang isang oras, nasa Starbucks-Cubao na ang malibog kong kaopisina.

Madali lang palang magpakilala ng bakla sa ibang bakla. I mean, hindi sila ganun kahirap mag-gel. Nanibago lang ako kasi hindi nga naman araw-araw, may ibinubugaw akong kaibigan. Gaya nga ng sabi ko kanina, first time ko.

Suwerte na rin siguro ni HSF at ng kaopisina ko dahil nagkataong friendly kaming lahat, kaya bawat isa, may effort bumangka. May moments na may dead air, pero wala pang isang oras, tabi na sila sa upuan.

Dumating sa puntong napagsarhan na kami ng Starbucks, magkakasama pa rin kami. Lumalalim ang gabi, umiinit ang usapan. Bilang isang “observer,” ako lang ang taga-dish out ng mga nagbabagang tanong:

Ano ang wildest na ginawa niyo sa kama? Ano ang pinakapaborito niyong position? Ano ang pinakamasarap? Kelan yung first time niyo? Top o bottom?

In fairview, masaya naman nilang sinagot ang mga tanong ko. Walang na-offend… na-arouse pa siguro. Nakakaaliw pagmasdan kung paano sila mag-react. Kung foreplay ang pakikipagtalastasan, malamang sabik na sabik na sa main event ang dalawa naming pinapapares!

Bulok kung humirit si HSF. Kumbaga sa tubig, nainom mo na’t naiiihi, nag-evaporate na siya’t naging ulan muli, baha na siya’t nagpatiagos na sa kanal… ngayon ay mag-eevaporate na uli… Lalim ba? Basta, ang point, hindi suwabe ang mga pick-up lines ni HSF sa kaopisina ko, sa tuwing naririnig namin, imbes na kiligin, nanginginig kami… sa tawa. Mukhang bumenta naman kasi natapos ang aming gabi (o madaling araw) na magkaakbay na sila’t nagbubulungan.

Nang iwan namin silang dalawa sa kanto ng Farmer’s at Araneta, nasa “getting to know each other” stage pa rin sila… Nagtatawanan. Naghihiritan. Kung di mo sila kilala’t madadaanan mo lang, aakalain mong lasing na magkumpare… Pero sa pagkakasampa ng kanilang mga braso sa isa’t isa, alam mo nang hindi sila basta-basta mag-bespren. At oras na iwan namin sila, pihadong hindi sa kuwentuhan mapapagod ang mga bibig nila.

Kung ganun lang sana kadali makabingwit ng hook-up… Dapat ba nagpabayad ako kahit limang daan?

02
Jun
07

In a State of Emergency

Last Monday was the second time I heard my father cry.

First was a few years ago, after graduating from college, I told him I wanted to move out and try living independently. He thought I was trying to cut ties with the family and ended up almost disowning me.

Fast forward to February 12, 2007.

Past 8 pm. I texted Papa twice and asked him to fetch me from work so he could drive me to my Tito Kits’ place.

Tito Kits is a nuclear cardiologist (a very good one), and aside from having my erratic BP checked (almost had a mild stroke once while editing), I was also concerned with my possibly dying toenails.

Thirty minutes after my last message, I got a text from Mama: D2 kme chinese gen dnala c analyn

I immediately called up my mom’s cellphone: Out of coverage.

Papa’s: Out of coverage.

I tried Analyn’s number. Her phone rang and I half-expected her to take my call. I heard Papa’s voice.

Pa, nasa ospital po kayo? Anong nangyari?

Oo. Nasa Emergency Room kami. Si Analyn, hindi makakilos.

Ha? Hindi makakilos?

Oo. Hindi gumagalaw.

Hanggang ngayon?

Oo.

Tangina.

I immediately apologized for the cuss word. I asked for other details: Where did it happen? How? Why? Papa’s answers were brief and his voice broke.

When I hung up, I can’t help but cry too.

******

My sister collapsed while accompanying a friend in a salon at P. Noval.

Her whole body just froze and she can barely breathe. In between gasps, she managed to let out short cries of agony while her numb body felt like it was being pricked by a thousand needles.

As her color slowly turned pale, her friend called Papa and told him about the situation. Then he ran all the way from P. Noval to the Emergency Room of UST Hospital.

At the Emergency Room, his cry for help fell on deaf ears.

Tumawag muna kayo sa Hotline ng hospital.

For some reason, the dumb nurses refused to send a gurney or stretcher since he was a walk-in. My sister was half-conscious in a salon which was only a few steps away from the University gates and all they could tell her friend was to call the hotline?

Disgusted, her friend went back to the salon and told my sister about the hospital’s reply.

Good thing, Analyn was the type who can laugh about a situation no matter how serious it really is. And since she was still breathing, she pushed the thought of crying off her mind and managed to crack jokes to mask her panic.

After a few minutes, our parents arrived. Papa and her friend tried to carry Analyn to our car, but every move seemed to aggraviate her pain. So — panic-stricken Mama was left to tend to her, while Papa drove hurriedly to the Emergency Room.

Since it was an emergency, Papa asked the guard at the exit gate of P. Noval if he could pass through.

Hindi puwedeng dumaan dito. Dun kayo.

Let me just stress that we were in an emergency situation and the guard still dismissed my father to the entrance gate at Espana.

The traffic delayed my dad for a few more minutes. By the time he arrived at the UST Emergency Room, he asked the attending nurse if they could provide a stretcher for my sister.

The nurse answered non-commitally: Sir, walang sasama sa inyong tao, hindi namin puwedeng iwan yung mga pasyente rito sa ER.

Papa could not believe what he just heard.

Kung gusto ninyo, i-three man handle niyo na lang yung pasyente. Dalhin ninyo rito.

Papa told them Analyn is in grave pain. Her body was stiff and her joints cannot handle even the slighest movement. They could not just carry her like a sack of rice.

Magpadala na lang kayo ng ambulansya. Babayaran ko!

Hindi po puwede Sir, wala pong sasama.

At past 7 pm, my father recalled that there were only two functioning nurses in the area. Where were they? Dinner break?

Ibig sabihin, kung may emergency talaga kayo, hindi kayo makakakilos dahil walang tao? Anong klaseng ospital ito? Walang tao?!

So these incompetent nurses get to choose who lives and who dies? Apparently, the ER staff had no real sense of urgency at all. Now that is scary!

Exasperated, Papa ended up buying plywood from a nearby supply store and used this to transfer Analyn to our car.

Even with UST Hospital just a few meters away, my parents decided to bring my sister — a third year UST Fine Arts student — to Chinese General Hospital in Blumentritt.

******

I remember an article I wrote in The Varsitarian a few years ago. It was about campus security and how territorial rules state that the University’s responsibility for a student’s safety ends as soon as he/she steps out of UST gates.

So, if a student gets robbed and stabbed three feet away from UST gates, it’s OK for the guards to stare at him as he bleeds to death. This is because the crime did not occur within University premises.

No wonder criminals lurk for helpless students outside University gates. Once you get out one feet away from the University’s “protective shield,” everyone is literally a free-for-all for knife-wielding, trigger-happy thieves or rapists.

******

Image079 If it’s the rule for University security, the same goes for its health services.

I’m not really familiar with UST Hospital’s territorial issues, however, it’s ironic how one can still be treated shabbilly by lousy hospital employees in a school that prides itself as breeding ground for the country’s best doctors and nurses.

To think that UST has its own hospital within its premises, truth is, it really has no concrete mechanism for emergency situations such as the one my own sister experienced.

kathang likha noong 02.15.07 sa: http://turningpoints.blogs.friendster.com/turning_points/

02
Jun
07

Week One

 


 

Part One

 

Ang lagkit! Ang lagkit, lagkit! Actually, napakalagkit! Ganito ang pakiramdam kapag nasa withdrawal stage ka. Tipong pinagpapawisan ka ng malamig habang kinukumbinsi mo ang sarili mo na “you’re doing the right thing”… Nakailang palit na nga ako ng t-shirt dahil kanina pa basa sa sobrang pawis, yari na naman kay papa pagdating sa labahan. Pero wala ka namang magawa, kelangan eh.

 

 

Para sa pamilya ko ‘to, para maibsan naman yung concern nila sa akin, pero higit sa lahat, para ito sa sarili ko. At first, akala ko kasi ok lang yung kalagayan ko, I was pretty sure of myself then, pero nang marami nang nakakapansin sa unti-unting pagbabago ng hitsura ko, dun na ako na-alarm. Napag-isip. Hindi na tamang ultimo mga hindi ko ka-close, may tono na ng concern sa tuwing pinapansin ang kalagayan ko.

Para bang may sakit ka. Para bang laging may mali.

Isang gabi, napag-isip ako, and I decided that it’s about time. Tama sila. Kelangan ko nang kumilos. Bago lumaki nang husto ang mga problema ko. Before everything gets out of proportion.

 

 

Kanina nga, sabi ko sa friend ko, isa lang, one time lang, ok na ako. Napailing lang siya. Nakikita ko sa mga mata niya na pagbibigyan na niya ako, pero hinde. Ako na rin mismo ang pumigil sa sarili ko. Masasayang naman yung two days na nagtiis ako. Pag bumigay ako dito, magkakaroon na ako ng rason para maging inconsistent.

 

 

Ang hirap! Naiiyak na talaga ako.

 

 

 

Part Two

 

Ang lagkit! Ang lagkit, lagkit! Actually, napakalagkit! Ganito ang pakiramdam kapag nasa withdrawal stage ka. Tipong pinagpapawisan ka ng malamig habang kinukumbinsi mo ang sarili mo na “you’re doing the right thing”… Nakailang palit na nga ako ng t-shirt dahil kanina pa basa sa sobrang pawis. Ang pathetic, kelangan ko pang dumayo sa UP para dun kami mag-exercise ng friend ko, yari na naman nga kay papa pagdating sa labahan. Pero wala ka namang magawa, kelangan pumayat eh.

 

 

Para sa pamilya ko ‘to, para maibsan naman yung concern nila sa akin. Baka daw bigla na lang akong bumulagta dahil inatake na ako ng high blood.

 

 

At 24, may signs na high blood na ako, at hindi lang daw ito makikita sa opisina kungdi sa aking physique.

 

 

Papa: “Karamihan sa mga matataba, may high blood, kain ka ng kain, walang preno. Baka atakihin ka na lang bigla sa puso niyan, ke bata-bata mo pa!”

 

Ako: “Pa, di pa naman ako ganun kalaki, atsaka hereditary ang high blood, kahit naman payat ako, mamanahin ko rin yan sa inyo…”

 

Papa: “Hinde. Mas malaki ang chance sayo.”

 

Ako: “Hereditary nga po eh.”

 

Change topic si Papa: “Kelan ka ba kasi magkaka-boyfriend? Para

naman hindi na ako maghahatid-sundo sayo. Kakapagod mag-drive.”

 

Ako: “Hala. Sinong nagsabing wala ako?” Hehe. Bluff.

 

Papa (lumalim ang boses): “Anong ibig mong sabihin?”

 

Silence.

 

Papa (umiiling): “Hindi ako naniniwala. Ang taba mo eh.”

 

Ako: “Hala!”

 

Papa (triumphant smile): “Sa katawan mong yan, malabo. Papayat ka na kasi.”

 

At first, akala ko kasi ok lang yung kalagayan ko, I was pretty sure of myself then, pero nang marami nang nakakapansin sa unti-unting pagbabago ng hitsura ko, dun na ako na-alarm. Napag-isip. Hindi na tamang ultimo mga hindi ko ka-close, may tono na ng concern sa tuwing pinapansin ang kalagayan ko. Para bang may sakit ka. Para bang laging may mali. Parang… lagi daw akong manas.

 

 

Isang gabi, napag-isip ako, and I decided that it’s about time. Tama sila. Kelangan ko nang kumilos. Bago lumaki nang husto ang mga problema ko. Before everything — my tummy, my double chin, my waistline, my arms — gets out of proportion.

 

 

Kanina nga, nung nasa KFC kami, sabi ko sa friend ko, isang fun shots lang, one time lang, ok na ako. Plain naman eh. Napailing lang siya. Nakikita ko sa mga mata niya na pagbibigyan na niya ako, kasabay kong magpapayat yun, pero feeling ko, dama rin niya yung hirap na pinagdadaanan ko. May possibility pa ngang humingi siya eh. Pero hinde. I have to set the bar high kaya ako na rin mismo ang pumigil sa sarili ko. Masasayang naman yung two days na nagtiis ako. Two days na puro sky flakes at litrong mineral water lang ang pang-quench ko sa cravings ko. Pag bumigay ako dito, magkakaroon na ako ng rason para maging inconsistent.

 

 

Ang hirap magpapayat! Naiiyak na talaga ako.

 

kathang likha noong 04.26.05 sa: http://turningpoints.blogs.friendster.com/turning_points/

 

02
Jun
07

Hyped-UAAP

Six years ago, I used the same title for my first University paper column. I remember the way the gods and demigods of UST-IPEA reacted to my take on the school’s (then?) biased sports program. Masyado raw opinionated. Yeah. Me and my POV…

Six years has passed and several worthy replacements already earned the right to fill that V-spot.

What I have now may not be as influential as its black and white ver… Still, people have the choice to read it (and call my opinions, well… opinionated. Duh.)

I’ll take my chances. Everybody’s entitled to a biased, free shot at cyberspace. Not bad.

*********************************************************************************************

Noong Martes ng madaling araw, sinubukan kong magsulat sa blog… At hindi ko siya natapos. Nasa alapaap pa kasi ako matapos manalo ang USTe sa UAAP. Dahil dalawang taon akong manunulat sa sports section ng V, ito ang unang pagkakataon na mapapanood ko ang basketball championships nang may kinikilingan.

Para sa isang Tomasino na minalas mapabilang sa unang batch na hindi biniyayaan ng UAAP basketball championship… Kakaiba ang pakiramdam kapag nanalo ang iyong team. Nakakamalat na nakakahigh-blood.

At siyempre, dahil first time ko ngang makapanood ng UAAP basketball champs (as a fan)… May ilan na naman akong nadiskubre:

10022006020 1. YOUR MOOD (& EGO) FOR THE DAY WILL DEPEND ON THE COLOR OF SHIRT YOU’RE WEARING – Sa last 3 minutes ng OT, unti-unti ko nang ibinutones ang itim kong blouse… kitang-kita kasi yung yellow na sandong nasa ilalim nito. Pero nang ma-shoot ni Cortez ang crucial free throw… deadma na kung cliche… keber kung lumuluwa ang tiyan ko sa fitting kong sando… Sa mga oras na iyon, wala nang mas titingkad at gaganda pa sa kulay dilaw!

2. NA-MISS KO ANG PAGIGING SPORTSWRITER… – Kung sportswriter ka, pasko ang araw ng UAAP championships. Bakit? Una, dahil sa makapangyarihang UAAP/Press ID… Para kang naka-“tsapa”— habang ang iba’y nanggigitata kakapila sa ticket booth, ikaw nama’y bagong ligo’t dire-diretso sa press box (o kung maangas ka, sa ilalim ng ring… kahit hindi ka photographer, basta’t me ID ka, OK na). Pangalawa, dumarami ang friends mo… Feeling kasi ng mga tao, porke Press ka, tauhan ka rin ng Ticketnet. Go figure.

100320060013. THE LENGTHS PEOPLE WOULD GO THROUGH FOR A GEN ADMISSION TICKET – Napatunayan ko ito nang magdesisyong mag-overnight vigil ang barkada ko sa Araneta. Akala ko nung una, OA lang sila. On the eve of the championships, kasama rin nila akong naglamay.

4. THERE’S ALWAYS AN ACTOR IN US – Dito ko napatunayang frustration ko ang teatro. Halos manliit ang kabarkada ko nang mura-murahin ko siya dahil hindi niya ako “ginising” kaya “na-late” ako sa pila (kasi nga, umuwi ako di ba? Therefore, singit lang ako sa kanilang mga nag-overnight sa Cubao…). Agaw-eksena, hanggang sa pagbigyan akong sumingit ng isa sa mga “pulis-pulisan” ng pila. Talented din yung friend namin na si Bochee… Gumawa talaga ng eksena sa mga guwardiya, ang kaso, NO RE-ENTRY na pala sa Araneta Coliseum. Ayan tuloy, sayang ang performance level, kahit anong “galit” niya sa mga sekyu na “nagpalabas” sa kanya, hindi umubra. Hanggang TV na lang tuloy siya. Sayang tuloy yung Tigger stuffed toy niya.

5. ONCE A TOMASINO, ALWAYS A TOMASINO – nasa category man kami ng mid-20s, pagdating sa loob ng Araneta, parang may timewarp… Hindi uubra ang palakihan ng sweldo o posisyon mo sa kumpanya, kung bleachers ang ticket mo, sa bleachers ka talaga uupo. Daig din ng alumni ang mga nasa kolehiyo pagdating sa hiyawan at trash talk. Akalain mong na-bad trip kami dahil hindi umabot yung ‘nyetang lobo sa bleachers!

Hindi rin ako nahiyang ipangalandakan sa mundo na taga-USTe ako (at PANALO KAMI!)… Hindi lang kasi iisa ang nagsabi sa opisina na mukha akong mascot ng UST dahil sa suot kong Tiger ears… Mga taga-UP ang nagsabi, pero siguro kung SILA ang nasa sitwasyon KO, after 20 years or so na hindi kayo nakapasok sa UAAP championships (narinig ko lang, di talaga ako sure, at di ko rin kinarir i-research… and I’m just assuming na tatagal pa siya, dahil nga mananalo pa kami ng paulit-ulit… hehe!), at Ateneo pa ang kalaban, tingnan lang natin kung sino ang hindi mamumula (or better yet, magma-maroon) sa opisina. Pupusta ako, may magfe-face paint pa dyan o! (I can understand their sentiments, malamang dahil na rin sa proximity nila sa Katipunan).

Siguro dahil alam naming hindi kami masususpinde oras na mapikon si Norman Black. O baka dahil masyado nang “grown-up” ang mundo namin, mabigyan ka lang ng pagkakataong bumalik sa golden years ng buhay mo at mag-isip bata… hindi ka na magdadalawang-isip pa.

10022006025Sabado na ngayon pero malat pa rin ako sa katitili noong Lunes. At ang mga pictures namin… daig pa yung mga nasa kolehiyo! Nung araw na yon, hindi ako Kapuso… Noong araw na yun.. Isa akong Tomasino.

kathang likha noong 10.07.06 sa: http://turningpoints.blogs.friendster.com/turning_points/

02
Jun
07

Baby

“Baby i was trying 2 col u, aga mo naka2log cguro, cge gudnyt na sweet dreams, luv u!” – July 31, 2006; 12:37 am

Isang tingin ko lang sa cellphone ko, alam ko nang wrong send. Unang-una, hindi “Baby” ang palayaw ko (baduy ha!). Pangalawa, may “luv u” sa dulo. Mahilig man akong mangarap ng gising, alam kong malabo na sabihin niya sa akin ‘yung mga katagang ‘yun (maliban na lang siguro kung “Baby” ang palayaw ko… Har, har, har…).

Hindi ako makahinga. Kung may asthma ako, malamang inatake na ako. Nasa lahi pa man din namin ang me sakit sa puso… Buti na lang kamo, masamang damo ako, kelangan ko pa raw hingan ng basbas ang aking “MEEK” soul… (verbatim yan mula sa hate text ng kaopisina ko).

Sari-saring reply ang naglalaro sa utak ko nung mga panahong yon:

“Duh… Do u hv 2 rub it n? Oo n. Hndi tyo! Gets ko. College graduate nman ako no.”

“Ayos ah. Tamis! Sampalin m n lang kaya ako?”

O kung gaga lang ako, siguro pinatulan ko na:

“Oh baby, i was w8ng 4 ur col nga eh, stl up coz i cnt stop thinking of u! It’s bn 5 hrs snce we last met, mis ko n ur voice, baby col me or il die! Luv u 2! Mwah, mwah! Slurp, slurp!”

Pero dahil ako pa rin si ako. Pinigil ko sarili ko.

“Baby i was trying 2 col u, aga mo naka2log cguro, cge gudnyt na sweet dreams, luv u! – wrong send ka, BABY.”

In fairview. Within 1 minute pagka-send nya ng text kay “Baby”, bumawi naman.

“Shit wrong send sori po.”

Shit talaga! Eh kaso nabasa ko na. Nagpalpitate na ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Unti-unti nang nagtago sa subconscious mind ko lahat ng aral sa positive books na binasa ko ngayong linggo. Ultimo yung basbas ng isang mapayapa at matiwasay na linggo sa misang dinaluhan ko, nawalan na ng bisa.

Weird talaga magbiro ang tadhana. Nagkasya na ako sa pira-pirasong ligaya na dulot ng linggong ito. Tapos kung kelan ok na ang mundo, kelangan talaga may panira.

Isang araw na ring nasa cellphone ko yung text na yun (yeah, isang araw, olats ang kalendaryo ng friendster, August 1 na kaya!). Hindi ko pa rin binubura.

Darating ang panahon na tatawanan ko na lang yung message na yun. Magtataka ako kung gaano kabilis niyang pinainit ang ulo ko. Kung ba’t hinayaan kong sirain ng isang text na yun ang umaga (at gabi) ko.

In time, Baby, I will learn to forget you.

Hay. Paet! Makapasok na nga sa opisina. Ala ba kayong ifo-forward na joke jan?

kathang likha noong 07.31.06  sa:

http://turningpoints.blogs.friendster.com/turning_points/




Fans ko sa ngayon...

  • 10,509

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Hunyo 2007
L T M H B S L
    Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.