“Baby i was trying 2 col u, aga mo naka2log cguro, cge gudnyt na sweet dreams, luv u!” – July 31, 2006; 12:37 am
Isang tingin ko lang sa cellphone ko, alam ko nang wrong send. Unang-una, hindi “Baby” ang palayaw ko (baduy ha!). Pangalawa, may “luv u” sa dulo. Mahilig man akong mangarap ng gising, alam kong malabo na sabihin niya sa akin ‘yung mga katagang ‘yun (maliban na lang siguro kung “Baby” ang palayaw ko… Har, har, har…).
Hindi ako makahinga. Kung may asthma ako, malamang inatake na ako. Nasa lahi pa man din namin ang me sakit sa puso… Buti na lang kamo, masamang damo ako, kelangan ko pa raw hingan ng basbas ang aking “MEEK” soul… (verbatim yan mula sa hate text ng kaopisina ko).
Sari-saring reply ang naglalaro sa utak ko nung mga panahong yon:
“Duh… Do u hv 2 rub it n? Oo n. Hndi tyo! Gets ko. College graduate nman ako no.”
“Ayos ah. Tamis! Sampalin m n lang kaya ako?”
O kung gaga lang ako, siguro pinatulan ko na:
“Oh baby, i was w8ng 4 ur col nga eh, stl up coz i cnt stop thinking of u! It’s bn 5 hrs snce we last met, mis ko n ur voice, baby col me or il die! Luv u 2! Mwah, mwah! Slurp, slurp!”
Pero dahil ako pa rin si ako. Pinigil ko sarili ko.
“Baby i was trying 2 col u, aga mo naka2log cguro, cge gudnyt na sweet dreams, luv u! – wrong send ka, BABY.”
In fairview. Within 1 minute pagka-send nya ng text kay “Baby”, bumawi naman.
“Shit wrong send sori po.”
Shit talaga! Eh kaso nabasa ko na. Nagpalpitate na ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Unti-unti nang nagtago sa subconscious mind ko lahat ng aral sa positive books na binasa ko ngayong linggo. Ultimo yung basbas ng isang mapayapa at matiwasay na linggo sa misang dinaluhan ko, nawalan na ng bisa.
Weird talaga magbiro ang tadhana. Nagkasya na ako sa pira-pirasong ligaya na dulot ng linggong ito. Tapos kung kelan ok na ang mundo, kelangan talaga may panira.
Isang araw na ring nasa cellphone ko yung text na yun (yeah, isang araw, olats ang kalendaryo ng friendster, August 1 na kaya!). Hindi ko pa rin binubura.
Darating ang panahon na tatawanan ko na lang yung message na yun. Magtataka ako kung gaano kabilis niyang pinainit ang ulo ko. Kung ba’t hinayaan kong sirain ng isang text na yun ang umaga (at gabi) ko.
In time, Baby, I will learn to forget you.
Hay. Paet! Makapasok na nga sa opisina. Ala ba kayong ifo-forward na joke jan?
kathang likha noong 07.31.06 sa:
0 Mga Tugon to “Baby”