02
Jun
07

Week One

 


 

Part One

 

Ang lagkit! Ang lagkit, lagkit! Actually, napakalagkit! Ganito ang pakiramdam kapag nasa withdrawal stage ka. Tipong pinagpapawisan ka ng malamig habang kinukumbinsi mo ang sarili mo na “you’re doing the right thing”… Nakailang palit na nga ako ng t-shirt dahil kanina pa basa sa sobrang pawis, yari na naman kay papa pagdating sa labahan. Pero wala ka namang magawa, kelangan eh.

 

 

Para sa pamilya ko ‘to, para maibsan naman yung concern nila sa akin, pero higit sa lahat, para ito sa sarili ko. At first, akala ko kasi ok lang yung kalagayan ko, I was pretty sure of myself then, pero nang marami nang nakakapansin sa unti-unting pagbabago ng hitsura ko, dun na ako na-alarm. Napag-isip. Hindi na tamang ultimo mga hindi ko ka-close, may tono na ng concern sa tuwing pinapansin ang kalagayan ko.

Para bang may sakit ka. Para bang laging may mali.

Isang gabi, napag-isip ako, and I decided that it’s about time. Tama sila. Kelangan ko nang kumilos. Bago lumaki nang husto ang mga problema ko. Before everything gets out of proportion.

 

 

Kanina nga, sabi ko sa friend ko, isa lang, one time lang, ok na ako. Napailing lang siya. Nakikita ko sa mga mata niya na pagbibigyan na niya ako, pero hinde. Ako na rin mismo ang pumigil sa sarili ko. Masasayang naman yung two days na nagtiis ako. Pag bumigay ako dito, magkakaroon na ako ng rason para maging inconsistent.

 

 

Ang hirap! Naiiyak na talaga ako.

 

 

 

Part Two

 

Ang lagkit! Ang lagkit, lagkit! Actually, napakalagkit! Ganito ang pakiramdam kapag nasa withdrawal stage ka. Tipong pinagpapawisan ka ng malamig habang kinukumbinsi mo ang sarili mo na “you’re doing the right thing”… Nakailang palit na nga ako ng t-shirt dahil kanina pa basa sa sobrang pawis. Ang pathetic, kelangan ko pang dumayo sa UP para dun kami mag-exercise ng friend ko, yari na naman nga kay papa pagdating sa labahan. Pero wala ka namang magawa, kelangan pumayat eh.

 

 

Para sa pamilya ko ‘to, para maibsan naman yung concern nila sa akin. Baka daw bigla na lang akong bumulagta dahil inatake na ako ng high blood.

 

 

At 24, may signs na high blood na ako, at hindi lang daw ito makikita sa opisina kungdi sa aking physique.

 

 

Papa: “Karamihan sa mga matataba, may high blood, kain ka ng kain, walang preno. Baka atakihin ka na lang bigla sa puso niyan, ke bata-bata mo pa!”

 

Ako: “Pa, di pa naman ako ganun kalaki, atsaka hereditary ang high blood, kahit naman payat ako, mamanahin ko rin yan sa inyo…”

 

Papa: “Hinde. Mas malaki ang chance sayo.”

 

Ako: “Hereditary nga po eh.”

 

Change topic si Papa: “Kelan ka ba kasi magkaka-boyfriend? Para

naman hindi na ako maghahatid-sundo sayo. Kakapagod mag-drive.”

 

Ako: “Hala. Sinong nagsabing wala ako?” Hehe. Bluff.

 

Papa (lumalim ang boses): “Anong ibig mong sabihin?”

 

Silence.

 

Papa (umiiling): “Hindi ako naniniwala. Ang taba mo eh.”

 

Ako: “Hala!”

 

Papa (triumphant smile): “Sa katawan mong yan, malabo. Papayat ka na kasi.”

 

At first, akala ko kasi ok lang yung kalagayan ko, I was pretty sure of myself then, pero nang marami nang nakakapansin sa unti-unting pagbabago ng hitsura ko, dun na ako na-alarm. Napag-isip. Hindi na tamang ultimo mga hindi ko ka-close, may tono na ng concern sa tuwing pinapansin ang kalagayan ko. Para bang may sakit ka. Para bang laging may mali. Parang… lagi daw akong manas.

 

 

Isang gabi, napag-isip ako, and I decided that it’s about time. Tama sila. Kelangan ko nang kumilos. Bago lumaki nang husto ang mga problema ko. Before everything — my tummy, my double chin, my waistline, my arms — gets out of proportion.

 

 

Kanina nga, nung nasa KFC kami, sabi ko sa friend ko, isang fun shots lang, one time lang, ok na ako. Plain naman eh. Napailing lang siya. Nakikita ko sa mga mata niya na pagbibigyan na niya ako, kasabay kong magpapayat yun, pero feeling ko, dama rin niya yung hirap na pinagdadaanan ko. May possibility pa ngang humingi siya eh. Pero hinde. I have to set the bar high kaya ako na rin mismo ang pumigil sa sarili ko. Masasayang naman yung two days na nagtiis ako. Two days na puro sky flakes at litrong mineral water lang ang pang-quench ko sa cravings ko. Pag bumigay ako dito, magkakaroon na ako ng rason para maging inconsistent.

 

 

Ang hirap magpapayat! Naiiyak na talaga ako.

 

kathang likha noong 04.26.05 sa: http://turningpoints.blogs.friendster.com/turning_points/

 

Advertisements

0 Responses to “Week One”



  1. Mag-iwan ng Puna

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,695

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Hunyo 2007
L T M H B S L
    Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: