10
Sep
07

Christian Ace J. Pasco (1981-2007)

Hindi ko na maalala ang una naming pagkikita, pero tandang-tanda ko pa rin yung huli.

Ang first impression ko sa kanya: maliit. Totoy pa. Nung huli ko na lang nalaman na sa buwan lang pala kami nagkakalayo ng edad. Mas nabaling pa nga ang atensyon ko kay Dex. Natural lang naman siguro kasi mas maporma at mas cute si Dex. Ang pinakanatandaan ko pa noon, yung paraan kung paano siya tumawa.  Humahagikhik. Nakakaloko.

Hindi ko na rin maalala kung paano kami naging close. Ah, siya kasi yung madali kong nauuto na sumama sa akin sa coverage! Madalas nga kami magkasama noon. At ang pinakanatatandaan ko na naman eh yung mga harutan namin at panlalait sa mga athlete at coach.

Isa siya sa mga bibihirang tao na kaya akong pahalakhakin.

Alam niyo yung tipo ng halakhak na nakakaiyak, walang habas at walang breeding?  Ganun. Hirit pa lang niya, pasok sa banga na. Kaya kahit asar na asar na ako sa kanya dahil sa late niyang article, hindi ko magawang mabuwisit ng matagal. Eh ngiti pa lang niya (with matching kamot sa ulo at taas ng balikat), puwede nang excuse letter.

Habang nagtatawanan kami nang madiskubre kong may hika siya. Pucha, dahil sa harutan namin, at hindi dahil sa “pagpapahirap” ko sa kanya sa Sports kaya siya hinika. Minumura na niya ako dahil inuubo na siya sa kakatawa. Pero as usual, hindi ko sineryoso yung sinabi niya, kasi nga, nagtatawanan kami.

Alam kong marami na rin ang nabighani sa mokong dahil sa kanyang sense of humor. At aaminin ko. Noong malapit na akong umalis sa Varsitarian, isa ako sa kanila.  Napapasaya niya kasi ang araw ko.

Nang grumaduate na ako sa V, naging kontrobersyal ang pagpasa ko ng aking titulo bilang Sports Editor sa kanya. Pero kahit maintriga, never ko siyang naringgan ng angst. Sa tuwing kinakamusta ko siya, dadaanin na lang niya sa biro ang lahat. At tulad ng dati, mababaon na lang ang issue sa tawanan.

Pero di nagtagal, medyo nagtampo na rin ako sa kanya. Minsan kasi, kapag dinadalaw ko sila, hindi na siya namamansin. Nakahanda pa man din akong saluhin ang bawat punchline na ibabato niya sa akin, kaso sa iba niya na ito ipinapasa. 

Hanggang sa siya mismo, grumaduate na sa V. Grumaduate na rin sa buhay namin. Hindi na nagparamdam.

Ilang taon din ang nakalipas bago kami huling nagkita. Nitong first quarter lang ng 2007, sa Gateway, sa may mga ATM.  Medyo tumaba siya. Kinamusta ko, pero yung tipikal na tawa niya ang isinukli niya sa akin. Na-miss ko rin yung tawa na yun. Natatandaan ko pa, niloko pa niya ako sa aking braso.  Nag-withdraw muna ako sa ATM, pero paglabas ko, papaalis na siya. Pauwi na raw sa misis at baby niya. Akalain mo? May nabingwit din! Akala ko kasi si Lyn ang soulmate niya! Hehe!

Iyon na ang pinakahuling pagkakataong nakita ko ang kanyang ngiti. Pag naaalala ko yung araw na iyon, sana pala hiningi ko cell number niya. Kahit man lang siguro sa text, nakapag-asaran kami. May supplier pa man din ako ng bastos at nakakatawang text. Malamang matatawa rin siya doon.

Martes ng gabi. Last week. Nasa alapaap pa ako matapos mag-shoot ng Madrigal singers. Naka-silent lang ang telepono ko, kaya hindi ko nakita ang sunud-sunod na text messages at missed calls. Nagulat ako nang marinig ko ang balita kay Carli. Parang isang masamang biro lang ang lahat.

Napasugod kami sa Marikina. Madaling araw na, marami pang gawain sa opisina. Pero sa pagkakataong iyon, minarapat namin siyang hintayin at salubungin. Gaya nang paghihintay niya sa amin noon. Sampu kaming nagpunta, at nagpakilala kami isa-isa. Ang pinakamatunog na pangalan sa nanay niya, si Jayme. Nakukuwento raw niya noon. Napaisip tuloy ako. Ah oo, baka mas close sila kasi sila yung magkaklase.

Nang makita namin siya, sa unang pagkakataon, sa ganoong sitwasyon, hindi ko maipaliwanag ang aking mararamdaman.  Wala nang bakas ng ngiti sa kanyang mga labi.

Sabado ng gabi. Pagkatapos ng trabaho, dumaan ako ulit sa kanila. Huling gabi na ng kanyang burol.  Tangan-tangan ko yung album ko na may mga litrato niya. Dito, habambuhay nang naka-steady yung ngiti niya. Ipinakilala ako ni Darell sa nanay niya. Nagkita na kami nung Miyerkules ng madaling araw, pero nang ipinakilala ako ni Darell as A!, natuwa ako nang sabihin ng nanay niya: “Ah ikaw pala si A! Nakukuwento ka niya palagi sa akin.”

Bilang pruweba, inisa-isa niya yung mga pinagbibibigay ko sa kanyang anak. May diary pa nga raw ako noon na binigay, “Ma, diary ni A! yan.”  Naalala ko, bago ako umalis ng V, binigyan ko siya ng notebook na puno ng dedication. Tiyagaan. Nang sa gayon, bago ako umalis, lahat nasabi ko sa kanya (maliban nga lang sa naging crush ko siya). Pati yung lahar daw na nasa loob ng hour glass… Natawa ako. Oo nga pala, mahilig akong magpaka-senti at magregalo ng mga anik-anik sa mga kaibigan ko noon. Actually, maliit na bote lang yun, may naka-rolyong dedication sa loob, ang concept parang Message in a Bottle.  Weird lang kasi ang naaalala ng Mommy niya, lahar yung nasa loob. Eh buhangin yun. White sand galing Palawan. Natawa na naman ako.

Pinakita ko yung mga litrato namin sa pamilya at asawa niya. Sa pagkakataong ito, ako naman ang nagbato ng mga punchline. Awa ng diyos, natawa naman sila sa mga rebelasyon ko tungkol sa kanya. Nabuking pa yung mga inuman namin at yung mga babaeng naaliw sa kanya. Kasama ako dun.

Nung nalaman nilang sa GMA ako at boss ko si Jessica Soho, humirit yung asawa niya: “Magkamukha nga sila ni Jessica Soho.” Tiningnan ko lang siya ng masama at sinabihan ng “I Hate You.” Sabay hingi ng tawad kay Ace. Partida na yun ha. Hindi kasi kami close. Pero pinagtawanan ko na rin ang sarili ko. Siguro kung nandun man siya sa mga sandaling yon, tawang-tawa rin siya sa hirit ng asawa niya.

Linggo ng tanghali. Nagmamadali akong tapusin yung scrapbook ng V para sa kanya. Tinititigan ko yung ilang mga litratong idinikit ko doon, kitang-kita kung gaano siya kasaya. Kung gaano kami kasaya.

Sa taxi, ang hirap humugot ng ngiti. Nakakaluha nga ba ang init?  

Sa simbahan, saktong naabutan ko siyang ipinapasok. Buti na lang nakahabol ako.

Sa misa, tuluy-tuloy na ang daloy ng luha.  Magkatabi kami ni Dex. Pakiramdam namin, kami rin, naulila. Ayon nga kay Dex, pamilya na talaga ang Varsi. Gaano man katagal ang panahong lumipas nang huli namin siyang nakasama, sariwa pa rin yung mga masasayang ala-ala.

Hindi ko akalaing darating ang panahon na magsusulat ako ng ganitong entry sa blog ko. Hindi ngayon. Tanging mga ngiti niya ang nakatatak sa ala-ala ko. Mabuti na rin yon.

Mahal ka namin, Ace. 

Isa ka sa mga bihirang tao na kaya akong pahalakhakin, aakalain ko bang sa bandang huli, kaya mo rin akong paiyakin? 

Advertisements

6 Responses to “Christian Ace J. Pasco (1981-2007)”


  1. 1 kengkay
    11.05.2007 bandang 9:07 hapon

    sorry to read this 😦

  2. 11.28.2007 bandang 5:42 hapon

    masayang paglalakbay para kay Ace.
    isang ngiti ng pasasalamat para sa ‘yo lenggai sa pagbabahagi ng buhay niya.

    salamat, ice. pagdasal mo rin po kaibigan namin. 🙂

  3. 3 sj
    01.26.2008 bandang 10:59 umaga

    Napakabait pero malokong tao. Nakakamiss sya pero tahimik na siya kung nasan man sya ngayon.

    —–

    god bless ace…

  4. 02.20.2008 bandang 4:56 umaga

    A, nakita ko yung blog nya through Harold…nakita ko anak nya, grabe walang pinagkaiba…nalungkot tuloy ako…

    carbon copy di ba? ang galing nga ng mix nila ng wife niya kasi halos magkahawig din sila, ganun ata talaga no, kung meant to be with each other kayo? hehe

  5. 02.20.2008 bandang 4:56 umaga

    mali….friendster account pala niya…

  6. 6 sielynne pasco
    01.02.2009 bandang 10:31 hapon

    Hindi ko kilala c ace but nung nbasa ko po ung story mo, nasad din ako para sa kanya. Siguro malayong kamaganak namin siya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,815

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Setyembre 2007
L T M H B S L
« Aug   Oct »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: