04
Nov
07

Dalaga na si Sophie!

Ito ang moment na hate na hate ng lahat ng babaeng teenager:

Exhibit A: Ang Bantay at ang mga Ebidensya— Mga boylet ni bunsong sister, bored na kasi nakabantay sina elder sisters…  ending: natulog na lang!

May bibisitang mga boylet sa bahay, sasabihin class project lang (sa pagkakataong ito, magpra-practice daw ng sayaw).  Dis-oras na ng gabi, aba’y hindi pa rin nagsisimula ang practice! Puro boylet pa rin ang kasama ng katorse anyos mong kapatid. At wala silang ibang ginawa kungdi magkyaw-kyawan. 

Panic mode na ang mga elders!

Si Lola, manhik-manaog, nagsusumbong sa akin. Kesyo hindi na raw sila makatulog sa ingay. Si Mudra, parang estatwa na nakaupo lang sa sala, nakatulala sa TV. Antok na antok na pero di patitinag, kelangang magbantay dahil baka kung ano’ng mangyari sa “beybi” niya kapag kumurap siya. Si Fafa… Well, surprisingly, deadma lang. Playing “Cool,” pero deep inside, alam naming paranoid din yan.

Kaming mga nakatatandang kapatid… Walang patid ang bulungan. Nakakaaliw kasing panoorin si Bunso habang banas na banas siya sa asungot niyang pamilya…

Eh sus, para namang di namin pinagdaanan ‘yan?

Tandang-tanda ko pa ‘yung aking first time

First year college ako nun sa USTe. 11 years akong nag-aral sa isang exclusive school kaya code red kapag me tumatawag na lalake sa bahay. Yung kauna-unahang may nagtangka… kaklase ko sa AB… bakla pa. Sa boses pa lang, halata namang malansa ang caller ko, pero kung kuwestiyonin siya ng Lolo ko…  Naku! Akala mo’y magtatanan na kami.

Kinabukasan, hiyang-hiya ako ke klasmeyt! Nakailang-ulit siya sa akin na hindi kami talo. Haller! Alam ko! Magtatanong lang naman daw siya tungkol dun sa assignment namin (first year pa ako nun, pabibo pa sa klase kaya nagte-take down notes pa…).

Pagkatapos nun, hindi na ulit tumawag si klasmeyt sa bahay. Na-trauma yata. Ginawa ko, sinunud-sunod ko ang pag-uwi ng lalake sa bahay. Immersion ba? Hindi para sa akin pero para sa pamilya ko. Wala naman kaming ginawang milagro.

The usual, school project. Kuwentuhan… stuff normal 17 year-olds do with their friends

Eventually, nasanay na rin sila. May moments na binabalaan pa rin ako ng Lola ko sa sasabihin ng mga kapitbahay, pero as long as hindi naman ako lumalabas nang naka-pokpok shorts at spaghetti strap, assured pa naman silang virgin PA ang kanilang apo.

Sa kaso naman ng pangalawa kong kapatid, mas mild naman. Unlike moi, sa UST na siya nag-high school, kaya lumalaki pa lang ang boobs niya, exposed na siya sa GUYS.

Pero hindi pokpok ang kapatid ko. On the contrary, weirdo siya (Sorry, Analyn!). Sa ingay at gaslaw niyang kumilos, napagkakamalan tuloy siyang tibo… Ngunit hindi porke “one of the boys” ang arrive niya sa madla, ibig sabihin, ligtas na siya sa strict naming parents.

Nandyan ang label-an nilang rapist at adik yung mga kaibigan niya dahil lang sa lalake sila. OA na kung sa OA pero kung nakinig siguro si Analyn sa nanay namin, malamang ay nag-Gabriela na ‘yun. In fairness, nauna pa siyang nagka-boyfriend sa akin, ang bruha!

Kaya naman ngayon, sa bunso naming kapatid, feeling namin, deja vu! Panahon nang ang baby ng pamilya naman ang magdadala ng boylet sa bahay.

Nakakatawa kung paano siya mailang sa mga mapanuri naming mga mata. Na-realize ko, hindi pala OA ang elders namin noon.

Ganun pala yung feeling kapag ikaw na yung damatans. Parang ang hirap tanggapin na nagdadalaga na ang kapatid mo, nagsisimula nang mag-explore at makipag-socialize. Gustuhin man naming huwag makialam at maging “cool sistahs,” hindi rin namin maiwasang maging atribida.

“It’s going to be one sleepless night!”

— Statement ng kapatid ko sa mga boylet niya. Kung di ba naman kasi engot, hindi umuwi ang mga Curimao! Kala ‘ata nila makaka-iskor sila (sabi naman ng kapatid ko, ginabi na raw kaya they’d rather spend the night here… Yeah, right…  Been there, kid! Nagamit ko na ‘yang linyang ‘yan 5 years ago! Hehehe!).

Mahigit apat na oras na ang nakalipas simula nang lumipat ang mga boylet niya dito sa kabilang bahay, sa balwarte namin, hindi na sila nakapalag.

Exhibit B:  Elder sister#2: “Subukan ninyong saktan ang bunso naming kapatid!”

Akala niyo makakapanood kayo ng TV 24 hours no? Insomniac ‘ata tong mga Ate niya! Isang 26 anyos na producer at 20 anyos na advertising grad stude…

Ano’ng say ng mga 15-17 anyos na mga totoy sa amin?

Exhibit C: Shhh! Bawala tumawa! Me Natutulog! Hihihihi! — Evil Elder Sisters

Kaya naming tumagal hanggang umaga…  kahit pa lasing!

Exhibit D: Eto pinagtri-tripan na lang talaga namin yung mga boylet niya. Tulog na si bunsong sis sa taas.

O, me mago-overnight pa bang boys diyan?!

Advertisements

2 Responses to “Dalaga na si Sophie!”


  1. 1 kengkay
    11.05.2007 bandang 9:04 hapon

    ahahahaha — baliw 😀 kawawang mga boylets napagtripan. welkam sa WPP fellow UST-AB!

  2. 11.07.2007 bandang 4:15 hapon

    grabe, na-trauma ata yung mga boylalush at natulog na lang…. producer ka? comm arts?

    Actually… bored na sila. manonood sana ng basketbol eh, kaso kinontra namin. bwahahahahahaha!!!! yep, comm arts 2001, uste!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,540

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: