06
Nov
07

My Beyonce Experience

Anak ng tokwa talaga o!

Minsan ko na nga lang makukunan ng litrato si Beyonce nang personal, ganito pa ang kalalabasan:

Demit! Kasi… kasi… 

Kelangan kong maging professional.  Baka biglang magpa-interview ang bruha, imbes na mikropono, cellphone ko ang maitapat ko.

Eh di yari ako sa boss ko…

‘Eto Close-up:

Pakshet talaga! Kung bakit sa lahat pa ng puwedeng takpan eh ‘yung mukha pa! Kapal kasi ng buhok eh! Tapos balot na balot pa, wala bang nakapagsabi sa kanya na mainit todits sa Pilipinas?! Na-iimagine ko na tuloy kapag ipagmamalaki ko ‘tong litratong ito sa mga magiging anak ko…

“May picture ako ni Beyonce nung bumisita siya dito sa Pilipinas!”

“Talaga Mama? Patingin!” (excited, with matching dilat na dilat na mga mata. Para siguro tayo kapag sinabi ng magulang natin na may picture sila ng Beatles in Manila)

“Eto o!” (ipapakita ang picture)

(Magtataka muna) “Ah… Ay, sa’n po si Beyonce dito?” (maniningkit pa ang mga mata kasi baka blurred lang ang picture, liit ni Beyonce eh)

“Ayan o! ‘Yung nakaputi na pababa ng eroplano!” (maniningkit din habang tinuturo ‘yung picture…  lumalabo na kasi mata)

“Ay…  Ba’t nakatakip yung buhok? Siya po ba talaga ‘yan?” (nanlulumo)

(trying hard to be enthusiastic and convincing) “Oo! Siya ‘yan! Kulot naman talaga siya eh! Tsaka tingnan niyo ‘yung katawan, bootylicious di ba?”

(ma-eexcite ulit) “May iba pa kayong litrato?”

(kunwari di affected) “Wala na, ‘yan lang. Busy si mama eh.”

(manghihinayang) “Ay, ganun? Sayang nakatakip mukha.”

Lekat na coverage talaga ‘yan. Hindi man lang nagpa-interview si Beyonce. Rumampa lang ng limang segundo tapos disappear na.

‘Yan tuloy, change topic ako. Kala ko pa man din makakasayaw na ako ng “To the left, to the left…” sa concert niya bukas… (May media passes na kami eh! Why, oh why, hindi siya nagpa-interview?!)

 Hay. Life.

Advertisements

11 Responses to “My Beyonce Experience”


  1. 11.07.2007 bandang 3:09 umaga

    Si Beyonce nga ba talaga yan? hehehe… DI nga? nagpunta siya ng Pinas?

    Thanks sa blogroll ha, kaw din add ko na prendship! 🙂

    Oh yezzz… magpeperform nga siya mamaya sa Taguig (at hindi ko na siya mapapanood dahil hindi na siya ang story ko!)

    Pinalitan ‘yung ieere kong story dahil di siya nagpa-interbyu sa amin… waaaahhh!!! =((

  2. 11.07.2007 bandang 7:42 umaga

    Yup, dumating na nga po si Beyonce. hehe… kakatuwa naman ang entry mo. Tnx po sa visit and your always welcome.

  3. 11.07.2007 bandang 11:12 umaga

    wow naman nakakatindig balahibong experience siguro iyan.. wahooo sana anjan din ako kaso nga ayon sa news ni entourage nya bawal lapitan ng media.. sayang naman 🙂

    titindig talaga balahibo mo, lalo na kung napupuno ka ng panghihinayang dahil ganito ka-olats ang kuha mo? o may media passes ka na para manood ng concert pero hindi mo magagamit kasi hindi mo na siya ikokober?

    ay. high blood pala yun. pakshet talaga.

    nway, salamat sa comment!

  4. 11.07.2007 bandang 1:14 hapon

    bumili ka na ng digital camera. mura lang sa quiapo. nang hindi puro cellphone gamit mo.

    Meron ako te… sa kapatid ko. kaso thesis pa niya. hamo, pagka-gradweyt niya, magkokontest ulit tayo… this time, hindi na sa heaven and eggs!!!! bwahahaha!!!!

  5. 11.07.2007 bandang 3:38 hapon

    hahahahhaa!!! psaway na buhok yan oo!
    dami daw press sa airport ng mga oras na yan ah?
    anyway, link kita lenggai ha?oki lang?

    uki sa orayt ‘te! (hangover… nahawa sa post ni brath tungkol sa tagapag-alaga niya nung bata… hehe) Di masyadong marami, mga beinte? trenta? isang mini-bus lang… me maingay pang bakla at ingles-spokening na reporter na malaki boobs… nakkkuuuuuu!!!! sarap sapakin! dadalawa lang sila pero ang iingay sa bus! sumbong ko sana sa boss ko eh… (di ko sasabihin kung sino… bawal.)

  6. 11.07.2007 bandang 4:21 hapon

    waaahhh — parang si dyesebel yata yan ah, huh? kainit ng ulo naman yon, may ticket pero wah nood.. i auction mo kaya sa ebay yung ticket mo, aahahaha… o kaya pwede ring i exchange gips mo… 😀

    hay naku, te… binigay na sa taga-dos yung slots namin!!!! waaaahhhh!!! dapat nandun ako ngayon eh… sa halip… gumagawa ako ng socio-cultural story on… guess what…. bawal pa sabihin, di pa umeere… hehehe!

  7. 7 joy
    11.08.2007 bandang 4:14 umaga

    I think I can imagine how you feel. Di bale, marami pa namang glamorous stars ang papasyal sa Pilipinas 😀

    joy
    The Goddess In You
    Your Love Coach

    I hope… I hope… I’ll have the chance to cover them pa… Though kung Maroon 5 yan or U2… ibang usapan na… =)

  8. 11.08.2007 bandang 4:41 hapon

    asteeeg! may-i-close-up-and-personal ka pala with beyonce! press ka ano? (haller.. obvious ba?) hehehe… salamat po sa pagdalaw sa blog ko 🙂

    Walang anuman po!!! Kung hindi nga lang nagkandaleche-leche broadband namin, mas madalas pa akong magblo-blog hopping! hehehe!

  9. 10 brath
    11.09.2007 bandang 5:48 umaga

    nabalitaan ko nga pumunta dyan si beyonce sa pinas, miski ako di ko pa siya nakikita e syang naman yung kuha mo ,muka na lang e heheheh

    xiao!

    sayang talaga!!!! waaahhh!!! -(

  10. 11.18.2007 bandang 2:12 hapon

    bwakakak… funny post!
    naalala ko tuloy yung tv spoof dati, sa Bubble Gang yata, tungkol sa isang malas na dancer. excited na ipinagmayabang na makikita sya sa tv. eh lahat ng shots nya, either nakatalikod, nakayuko, o kaya’y braso lang ang kita. hehe.

    **

    Salamat sa pagbisita, Jun… Ngayon alam ko na kung ano’ng picture ang entry ko sa Bitoy’s Funniest… ay Video pala dapat yun… hehehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,815

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: