14
Nov
07

Ang Berday Wish Ko Sa’yo…

Gusto kitang ibili ng cellphone. Yung bagong modelo. Di bale nang puro gasgas yung cellphone ko, basta ‘yung sa’yo bago. Ano’ng gusto mo? P-1? Sabihin mo lang sa akin, your wish is my command!


Gusto kong bigyan ka ng surprise party. Iimbitahin ko lahat ng friendships mo, mula grade school hanggang sa work mo. Gusto mo ba pati mga ex mo? Dito na lang tayo sa bahay namin para may space. Wala na kaming kasambahay ngayon, pero ready akong paalila para lang matupad ‘yung party mo. Maglea-leave ako. Di baleng walang suweldo ng isang linggo! Kami ni Mama mo ang magluluto. Magaling din Lola kong magluto ng kakanin! Favorite mo ang ube di ba? Puwes malulunod ka sa ube dahil kahit pa nanghihina na braso niya, paghahaluin ko siya para sa giant ube cake mo!

Gusto mo rin ba ng party na may inuman? Bibili tayo ng beer! Ilang case ang kaya mo? Ano? Babae? Gusto mo ng pokpok sa party? Ok lang, ikukuha kita sa Q. Ave. Type mo ‘yung maputi at maliit di ba? Ako pa ang personal na pipili para sa’yo para dekalidad. Ok lang yun! Wag ka mag-alala, hindi ako magseselos, berday mo naman eh, siyempre dapat, happy ka. Basta pag titirahin mo na, wag mo lang ipapakita sa akin ha. Gamitin mo na lang ‘yung kuwarto ko, wag kayong magkakalat sa kama ha! May tissue dun sa tabi ng cabinet…

Biglang tumunog ang cellphone ko…

“tenchu!”

Tangnang text ‘yan. Hindi na ako nag-reply. Para que pa?

Pinatay ko na ‘yung TV. Hindi ko na maintindihan ‘yung palabas eh. Humarap ako ulit sa laptop ko. Binasa ko ulit ‘yung sinulat ko. Taenang blog entry ‘yan!!! Pathetic!

Noong mga nakaraang taon, kabado na ako ilang minuto bago pumatak ang alas-dose… Gusto ko kasi, ako ang unang taong babati sa’yo. Busy na rin ako sa paghahanap ng regalo. Daig ko pa sugar mama. Pucha, hindi naman tayo, pero handa akong simutin ang laman ng ATM ko para lang sa ikaliligaya mo…

Pag naaalala ko nga ‘yung mga araw na ‘yun, parang gusto kong kumuha ng tsani at bunutin isa-isa ‘yung pilikmata ko eh. Boba-boba ko talaga!

Ngayon… Pagkatapos ang halos walong taon… nauwi tayo sa pa-tenchu-tenchu na lang.

Taenang buhay talaga yan.

Hindi ako bitter. Naalala lang kita. Berday mo kasi eh. Sana lang, masaya ka na.

Advertisements

8 Responses to “Ang Berday Wish Ko Sa’yo…”


  1. 11.15.2007 bandang 12:39 umaga

    šŸ˜¦ Buhay nga naman!

  2. 2 kurokuroko
    11.15.2007 bandang 10:18 umaga

    bitter ka. obviously, you’re still hurting. adik ka pa. anu ba.

    tama na nga iyang mga drama sa fubu mo. sus, wala namang kinahinatnan iyun. tagal na namin sinasabi sa iyo, let go.

  3. 11.15.2007 bandang 3:31 hapon

    fubu ampft’ .. seryoso nalungkot naman ako dito sa post mo, pa hug nga ng walang malisya’

    Huwaw! First comment ng THE Jon Cabron. Sumaya na ang araw ko. =)

  4. 5 kengkay
    11.15.2007 bandang 5:18 hapon

    ahahaha, andyan na pala si jon cab e, napasaya ka na… kalimutan ang mga kumparehan na yan… lenggai gurl. you deserve a better man. itungga mo na lang yan sa pebrero pag uwi ko pinas tapos tapusin na yang tenchuhan na yan.

    Ayan! Tamang-tama Ate Kengks, berday ko nun!!! Inuman tayyyyooooooo!!!! Hehehe!

  5. 11.15.2007 bandang 9:29 hapon

    Oo nga, kalimutan na yan! You deserve a better man! šŸ™‚

    Kiko, malamig at maulan ngayon sa atin dahil sa cold front… uso ang senti kapag malamig at maulan… hehehe!!! Still, salamat sa WPP at nakilala ko kayo, hindi ako parang gaga na nagwa-wallow… =)

  6. 7 kengkay
    11.16.2007 bandang 12:43 umaga

    haneps, wallow, ang lufet ng salita ni lenggai kapag nagsenti, hehe. o kelan ang berdey mo para naman ma ilista ko na at ma i block ko na ang date na iyon, hane?

    Sa 23 Ate Kengks! Tsaka size 9! HARHARHAR!!!!

  7. 8 Reese
    11.16.2007 bandang 3:29 hapon

    Lasing, bangag at may sa demonyong comment: Try mo to uh, get t on or mki-fling sa ndi mo msyado gusto. The thrill of messin around might help you forget him.=p

    Ahm… puwede ba, Marisse… You want me to do a Trinoma? Ooops. Bad joke.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,695

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: