16
Nov
07

Tenchu, Papa Jesus!

Salamat Papa Jesus at ang lamig, lamig, lamig, lamiiiggg na!!! Dahil dito, naging masarap po ang dalawang araw kong pagbubuhay-baboy, obvious naman po sa walang kapoise-poise na litratong ito:

Salamat din Papa Jesus at inuubo’t sipon ako…  Inuubo’t sipon ako sa break ko…

Salamat po at nagbalik na ang Broadband namin… Dahil sa Broadband, nakakapag-blog na po ako ng walang habas.

Wag po kayong mag-alala, tutulong po ako sa pagbabayad ng kuryente.

Salamat din po at nadiskubre ko ang WPP… Masaya po pala kapag may nakaka-appreciate ng mga sinusulat mo. Lalo na po kung ibang tao. Hindi ko po sila kilala nang personal, pero alam ko pong may ilan sa kanila, magiging friendship ko po hanggang pagtanda.

Dahil din sa kanila, wala na po akong panahong mag-wallow

Salamat din Papa Jesus, kasi nitong mga nakaraang araw, nakakasama ko ang mga kaibigan ko na matagal-tagal ko ring di nakaka-bonding.

Salamat din po at pinag-pass mo kami ni Kurokuro sa pag-witness ng isang kalunos-lunos na trahedya sa peyborit naming mall…

Share ko na rin po sa mga ka-blog ko ‘yung mga kinunan kong litrato.

Ang ganda sana nung lugar. Bless niyo na lang ha. Nakakadepress po kasing mamasyal sa lugar na me bad memories…

  

Salamat Papa Jesus, sa loob ng 26 taon, buo pa rin pamilya ko. Wala kaming major sakit. Naihahatid pa rin ako ni Lolo at Papa. Nakakakain pa rin kami ng three meals a day (kung minsan pa nga po, six…). Buo ang bahay namin. Masaya kaming nakakapag-asaran ng mga kapatid ko. Nakakapanood pa rin kami ng Marimar ng sama-sama…

Hanggang sa susunod ko pong break. Yun ay kung magkakapag-break pa po ako pagkatapos ang linggong ito.

Pasensya na po, susulitin ko na ang pahinga.

Alam ko naman pong sa mga susunod na araw, sisipsipin na naman ng trabaho ko ang lakas ko… Pero hindi po ako nagrereklamo… Buti nga po’t nandito na ako sa dream job ko. Salamat po at may suweldo ako para may pambayad sa mga luho gaya ng internet…

Salamat po ulit! Ang suwerte ko talaga.

Advertisements

7 Responses to “Tenchu, Papa Jesus!”


  1. 11.16.2007 bandang 7:16 umaga

    lenggai,
    ngayon alam ko na ang pakiramdam ng bulag na umaasa lang sa kwento ng nagaalaga sa kanya, ganun na ganun ang pakiramdam ko ngayon dahil hindi ko makita yung mga pictures na sinasabi mo.. pero naaliw naman ako sa entry mo.. godblessbye’

    love,
    sikret

    G. Cabron, you made my day, again. Salamat sa pagdaan!

  2. 11.16.2007 bandang 5:29 hapon

    yey nakita ko na yung picts, hmm bat kaya kanina sa office kanina wala akong nakikita.. haaays’

    Kapag pinagpapala ka nga naman o! Pangatlong comment na ni Jon Cabron! Kahit pa tuldok lang yan, masaya na ang araw ko. Ahahahahahaha!!!! Salamat ulit sa pagbisita, Jon. 😉

  3. 11.16.2007 bandang 6:20 hapon

    uy, sa wakas nakita ko na rin ang loob ng bagong mall na iyan sa tabi ng north ave… ewan ko ba kung bakit pero wala akong urge na dalawin siya, loyal pa din ako dun sa orig na mall na tinapatan niya… o baka dahil tamad lang akong tumawid sa kalye? hehehe….

    **

    Subukan mo Taroogs dumalaw pag galing ka sa MRT… Open arms ka niyang wewelkamin! Wag ka lang tatalon ha? Ayokong mawalan ng blag prend. Hehehe!

  4. 11.16.2007 bandang 7:40 hapon

    buhay na buhay ng baboy. hahaha. ang yaker ng picture.

    **

    Emo kid!

  5. 5 kengkay
    11.17.2007 bandang 4:18 umaga

    tenchu jesus por lenggai being lenggai 🙂

    may ganyan din akong pechur lenggai… poise na poise sa kweba ko 🙂 hang ganda naman talaga pala ng mall na ito e. kaya lang, atsaka na kapag hokay na hokay na sya.

    **

    Tenchu Ate Kengkay, alam mo bang isa ang mga komento mo sa mga pampagana kong mag-blog? Tenchu talaga! 🙂

  6. 11.17.2007 bandang 11:40 umaga

    Bakit kaya di ko napansin ang mall na yan nung umuwi ako? Ang ganda pala talaga. Pero mas maganda ang nakita kong unang larawan, kutis purselana huh! 😀

    **

    Aw, shucks… You’re makin’ me blush… * x *

  7. 11.20.2007 bandang 6:14 hapon

    pink ba yung manicure o natural? lolz~ 😛

    national geographic? sawa ka na sa kapuso channel? hehe:P

    honestly, news at dokyu lang pinapanood ko sa amin… tsaka yung programa namin, tsaka yung mga panaka-nakang koreanovela at marimar… hehehe… other than that, solid nat geo o hbo ako! hehehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,540

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: