17
Nov
07

Project Lafftrip Laffapalooza

Pucha. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ilang buwan pa lang naman akong nagbla-blog. Sa katunayan, ngayong Nobyembre lang naman talaga ako nagsimulang mag-seryoso sa paga-update nito. Simula nung sumali ako sa WPP.

Kung napansin ng mga kaibigan ko, dati, ang baduy-baduy pa nga ng format ng blog ko. Hindi ko sinasabing magara na siya ngayon ha. Pero kahit pa. At least, mukha na siyang blog ngayon. Hindi freedom board ng Emo na high school student.

Sa pag-uudyok ng aking paboritong blogger na si Badz, papatulan ko na ‘yung proyekto niya. 

Pasensya na, Koya… Virgin pa ko rito. Konti pa lang din ang blogfriends ko (Malamang kasi hindi talaga ako pala-comment pag di ko talaga trip?). Kaya ang inonominate kong blog, ‘yung mga tumatak sa isip ko dahil napapatawa talaga nila ako:

1. Jon Cabron– ang una kong kalandian sa WPP… dahil masigasig niya akong winelkam sa WPP at siyempre, dahil paborito at labs na labs ko siyang tunay… 😉

2. DEFPOTEC – kinabahan na naman ako nang isulat ko ‘tong link na ‘to. Una, kasi hindi niya naman ako kilala. Pangalawa, nag-comment ako sa kanya loooongggg, loooonnngggg time ago, pero nakabibinging katahimikan din lang ang sagot niya. Tingin ko hindi naman siya shy type, pero mababa rin ang EQ ko sa rejection, so there

Pero isinama ko pa rin siya kasi naaaliw talaga ako sa mga post niya. Mukha naman siyang mabuting tao, base na rin sa mga nabasa ko from Ate Kengkay. And I really think he deserves to be nominated. 🙂

Naku. Nakakahiya nang mag-nominate ng iba. Lalo na kung hindi pa kami blog friends. Kung di lang naging emo kid si Kurokuro, patutunayan ko ang pagkakaibigan namin sa pag-nominate sa kanya (Peace, Tops!).

At dahil na rin sa nakita kong listahan ng premyo (Badz, totoo ba talaga ‘yun? Putek, 15 kyaw! Dahil lang sa pagbla-blog? Pangtubos din sa kalabaw namin ‘yun!), iboboto ko na rin ang mga blog ko:

3. Ang Pinay Brodkaster– Akalain mo, mag-iisang linggo pa lang ‘tong blog na ‘to, nailista na sa Fastest Growing WordPress Blogs? Sabihin mo nang mababaw ako, pero never sa hinuha kong masasama ako dyan, ever. ‘Yan tuloy, parang gusto kong sumulat ng tungkol sa mga closet queens ng brodkasting…  Putek!!! Makakaganti na rin ako sa wakaaaasssss!!!

At kung tao lang ang blog ko, malamang, naglayas na ang original blog ko sa selos sa kanyang younger sib… Kaya iboboto ko na rin siya… 

4. Mga Nilay-nilay ni Lenggai

Sayang, Badz, trip ko rin talaga ‘yung blog mo eh. Kaso nabasa ko dun sa isang comment mo na hindi ka puwedeng i-nominate.

Still, simple lang ang kaligayan ko. Makita ko lang ang link ko sa site ninyo, kinikilig na ako.

May the best blog win!

Ok lang kahit hindi ako manalo rito. I blog because I love writing. Hindi naman ikabababa ng self-esteem ko kung pagdating ng 2008, wala ako sa Top 10. Hindi ako mamimilit at magco-comment ng magco-comment sa kung kani-kaninong blog kahit nababaduyan ako sa post nila. Kung para sa akin, para sa akin.

***Btw…  Sa mga kaibigan ko: Langya kayo, suportahan niyo ako! Ang hindi bumoto, ‘alang regalo sa pasko!

Sayang, I-Touch din yun.

Advertisements

6 Responses to “Project Lafftrip Laffapalooza”


  1. 1 kengkay
    11.17.2007 bandang 4:12 umaga

    kung ano mang botohan yan, iboboto ko kayong apat… makapunta na nga sa link. gud lak, girl.

    **

    Lol! ‘Yung kay Badoodles ‘Te Kengks, yung Search for the Best Humor Blog niya. Alam ko naman na marami ka na ring blog friends na nominee, pero napangiti mo ako sa comment mong ito… Dahil diyan, may I-Touch ka na! Hehehe!

  2. 11.17.2007 bandang 11:36 umaga

    Naku pwede ba kong bumoto ng marami? Hang daming peborit meron aketch!

    **

    Punta ka sa site ni Badoodles, Misyel! http://kuwentongbarbero.com… Andun rules… At siyempre… wag kakalimutan ang i-Touch… MWAHAHAHAHAHA!!!!

  3. 11.17.2007 bandang 11:47 umaga

    “Ang Pinay Brodkaster- Akalain mo, mag-iisang linggo pa lang ‘tong blog na ‘to, nailista na sa Fastest Growing WordPress Blogs? Sabihin mo nang mababaw ako, pero never sa hinuha kong masasama ako dyan, ever.”

    adik ka kasi kaya ka andiyan. hahaha.

    emo kid ako lately. siguro kapag nakaalpas na ako sa balakid na pinagdaraanan ko eh magiging masaya ulit ang blog ko.

    **

    karamay mo ako jan te… kaw naman, wag mo na kontrahin yung katuparan ng pangarap ko, adik nga ako di ba? lol!

  4. 11.17.2007 bandang 8:29 hapon

    .. pero seryoso ako sa mga pinopost ko sa blog ko!!

    **

    yeah… halata nga jon eh… hehehe!

  5. 12.02.2007 bandang 7:43 umaga

    hello lenggai! just bloghopping! i voted jon cabron too.

    “Still, simple lang ang kaligayan ko. Makita ko lang ang link ko sa site ninyo, kinikilig na ako”

    Will link your blog on my blog, para kiligin ka. See yah sa WPP!! enjoy!

    salamat sa pagbisita at pag-link!!!! kinilig na naman ako!!! wahahaha!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,815

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: