20
Nov
07

Iniinsomnia na naman si Lenggai!

Ahhhh… Mag-iisang oras na akong nagpapalipat-lipat sa dalawang blog ko.

It’s official: Adik-adik na nga ako dito.

Pero wala akong matinong pang-blog ngayon eh. Wala ako sa mood magpatawa o magdrama.

Gusto ko lang magkuwento.

Una, dapat natutulog na ako. Ewan ko ba ba’t imbes na humilata, aliw na aliw akong magbasa nung mga comment sa akin. Kahit ‘yung napakahabang comment ni Jon na “^huh?,” inanalyze ko pa. Tapos nacu-curious na ako sa tag ni Doc Joy, pero sa weekend ko na lang sagutan ha? Feeling ko di ko siya masasagot ng matino ngayon. Magre-require ‘ata ng utak yun. Eh tabula rasa ako ngayon. Naks. Ang lalim. ‘Yan sumakit tuloy ulo ko.

Pangalawa, tinutubuan na ko ng rashes sa braso. Ang kati-kati! Stressed na naman ako. Wala pa rin kasi kaming matinong case study. Eh Martes na, Miyerkules deadline ko. Tapos ‘yung ka-team ko, bumagsak ang story, kelangan ko rin isipin pano ko matutulungan. Nakaka-stress. Naku. Magbabatik-batik na naman braso ko nito.

Pangatlo, napanood ko na ‘yung pelikula ni John Lloyd at Bea. Nakakaaliw! Wala nang pakialaman kung nababakyaan ‘yung iba ha. Basta ang ganda. Ang saya. Di nga lang ako maka-relate. Ba’t kasi amboring gawan ng love story ang mga single? Di ba pwede yun? Single pero me ka-lab team? Hinde? Oki.

Pang-apat… wala na akong maisip. Second time ko humawak ng (di pa puwedeng sabihin hangga’t wala pang Biyernes) kanina. First time sa Galera nung Linggo. Katakot. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako. Wuuuuhh…

Antok na ko. Bigla akong nalungkot. Ewan ko ba. Kagagaling ko lang sa break sa lagay na ‘to ha? Nonood na lang ako sa Youtube ng Maroon Five.

O di kaya… Tutulog na lang ako. 

Hay alam ko na… Tititigan ko na lang ulit blog ko.

Adik.

Advertisements

3 Responses to “Iniinsomnia na naman si Lenggai!”


  1. 11.21.2007 bandang 12:31 hapon

    apir! ako din isa pang isat kalahating adik!

    kampaiiiiiiiii!!!!

  2. 2 kengkay
    11.22.2007 bandang 1:40 umaga

    hikkkk — ako din adik adekk na rin… alam mo pareho kayo nung anak kong bunso, kapag may stress sya sa buhay e nagkakamot na. bt she uses aloe first at aloe propoplis para gumaling agad at maging flawless 😀

    hay naku ate kengks! sobrang nagbubutlig na ako… malapit na kasi ere namin! alam mo ba, nasa davao ako ngayon, sa isang internet shop dahil kelangan ko magsubmit ng script… leche, may maingay na dabawenyang nagprapraktis ng german… ang hindot! puro kung paano niya maseseduce yung guy ang pinag-aaralaan! kainis!

    wala lang, naisip ko lang sabihin kasi di ba, nasa alemanya ka? hehehe… konek-konek!

  3. 3 joy
    11.25.2007 bandang 10:05 hapon

    Lenngai, I still don’t understand what it is you do 😀

    By the way, do join us on the 16th of December, 6pm, Alabang Town Centre! Would love to meet you in person.

    joy
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,540

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: