27
Nov
07

Dalaw

Nagising ako ngayon ng may kakaibang feeling na dapat mai-share sa blog. Ewan ko kung naranasan niyo na rin ito, pero di ba may paniniwala tayo na kapag napanaginipan mo ang patay, ibig sabihin, dinadalaw ka niya?

Puwes, me bisita ako, ngayon-ngayon lang.

Mahigit dalawang buwan na mula nang yumao yung dati naming co-staffer sa University paper na si Ace. Hindi pa ako sigurado kung napanaginipan ko siya dati, pero being the imaginative person that I am, me mga moment na feeling ko, dumalaw na siya sa pagtulog ko.

Pero iba ‘yung sa araw na ito. As usual, pag ganitong wala akong skedyul sa office, ang tanging humahatak lang naman sa akin mula sa kama eh ang blog. Nung binisita ko rin yung Friendster ko, ‘kita ko yung mga ichurs ko with Ace. Tapos naalala ko bigla ‘yung panaginip ko.

So habang medyo makapal-kapal pa yung palad ko (di ba ganun pag bagong gising?), tinype ko na kasi am sure, makakalimutan ko na naman…

Bumalik daw kami sa UST. Actually hindi na rin ako sigurado kung sa UST yon, pero parang nasa labas kami ng computer room ng AB (circa 2001 setting ha). Andun daw si Ace, naka-beige na T-shirt, payat pa (sayang di ko nakita kung payat din ako!). Tuwang-tuwa raw ako nang makita ko siya. Kyawkyawan ng konti, pero di ko na maalala eksaktong pinag-usapan namin. Basta parang me ilang minuto rin bago pumasok sa ulirat ko na patay na nga pala ‘to at malamang ito na ‘yung pinakahihintay kong dalaw niya.

Kinamusta ko siya, sinabi ko ata sa kanya na sana, kung nasan man siya ngayon, masaya siya. Pag naaalala ko nga ngayon, pucha, napipikon ako kasi ang cliche ng naisip kong statement di ba? Me mga gusto pa akong tanungin eh:

– Tsong, totoo bang pag natigok ka, me giant screen na ipapalabas yung buong buhay mo? Tapos sa replay, mararamdaman mo raw ulit yung feeling mo nung nangyayari yung event na yun? Tapos mararamdaman mo rin yung nararamdaman ng tao na nakasalamuha mo nung moment na yun? Dami ko rin kasing nakabangga eh, feeling ko doble-doble mararamdaman kong bad trip sa chain reaction ng mga kalokohang ginawa ko.

– Totoo ba ‘yung light na pinupuntahan mo kapag payapa na ang kaluluwa mo? Sabi kasi nila, usually, kapag nasa light ka na, hindi ka na raw puwedeng bumalik sa amin…  Ibig sabihin ba ng pagdalaw mo eh wala ka pa sa light? O me permit to travel ka lang ngayon?

– Ano feeling ng patay? Nakaka-teleport ka ba talaga kahit saan mo gusto? Pano kapag tumatagos ka sa dingding? Me nararamdaman ka ba?

– Ano reaction mo kapag pinag-uusapan ka ng mga tao in the past tense? Paano kapag gigil na gigil ka nang mag-comment pero hindi mo magawa? Paano yun?

– Tsong, no offense ha, pero pano pala yun kapag minsan, kinatatakutan ka ng mga tao? Di ka ba nababad trip? Guilty rin ako dun ha. Sabi ko naman sayo, yung panaginip mato-tolerate ko, wag ka lang papakita sa akin pag naliligo ako o di kaya pag naaalimpungatan ako sa gabi.

– Tsong, sa dami ng blog entries at pagsesenti ko sayo, na-touch ka ba? Hehe.

Ang dami ko pang gustong tanungin ke Ace. Pero kung totoo man na dumalaw siya sa panaginip ko, malamang batukan ako nun pag narinig niya ‘to.

Tapos naalala ko pa, sa panaginip ko, sumayaw siya. Ang weird nga eh, kasi nung nasa Varsi kami, never ko siyang nakita na sumayaw (maliban na lang siguro dun sa mga Christmas presentation namin na kelangan naming magpaka-grade school…  Pero kahit yun di ko na maalala…).

Naalala ko tuloy yung kwento ng Mommy niya nung dinalaw din siya ni Ace sa panaginip. Naka-bold daw si Ace at pa-pose-pose pa. Tumatambling a la Streetboys.

Ayuz ka rin Ace ha. Bumabawi ka naman sa amin ngayon sa afterlife.

Bago naputol yung panaginip ko, naalala ko, hinawakan ko yung palad niya. Ewan kung tulad ng dati, tsinatsansingan ko lang siya, pero hindi na ‘to singlambot ng naaalala ko. Tumatak kasi sa isip ko noon, siya ang lalaking nahawakan ko na may pinakamalambot na palad. Tipong lumulubog yung daliri mo sa lambot.

Malambot pa rin ng konti yung nahawakan ko sa panaginip ko. Mainit-init at buhay na buhay.

Sabihin niyo nang it’s my subconscious self missing Ace, pero bago pa man mabaon sa labyrinth ng aking brilliant brain ang panaginip ko, isusulat ko na sa blog ko.

Iba nga kasi ang pakiramdam ko pagkatapos. Ang payapa. Para akong nagbalik sa aking happy, college days.

Hay, Ace. Salamat sa pagbisita! Balang araw, magkikita rin tayo sa Neverland…

Advertisements

3 Responses to “Dalaw”


  1. 11.27.2007 bandang 6:49 hapon

    Curious ako, anong kinamatay ni Ace?
    At bakit curious ka sa mga tanong na nabanggit mo Lenggai?
    Kung sasagutin ni Ace ang mga tanong na yan, may mababago ba sa iyo at sa buhay mo ngayon?

    Sometimes, pwede daw manipulahin ang panaginip. Next time, pwede mong ayain si Ace na magkape para mahaba haba ang usap.
    Salamat sa bagong post lengs.

    Salamat sa pagbisita, Ice!

    Bsita ka sa tribute entry ko kay Ace… maiintindihan mo kung gaano siya kahalaga sa akin. 😉

    also, sa isa mo pang tanong… feeling ko mas maliliwanagan ako sa mga bagay-bagay kung masasagot niya yung mga tanong ko… sana lang di ko siya makalimutan paggising ko… 🙂

  2. 11.28.2007 bandang 8:52 umaga

    yung mga tanong mo, nasabi ko ding itatanong yan sa patay, wala pa lang dumadalaw.


    salamat sa pagdaan, pao! i saw your blog. sayang lang wala ka sa WP. 😀

  3. 3 kengkay
    11.28.2007 bandang 5:15 hapon

    ako naman yung panaginip ko tungkol sa mga eks bf ko, ibig sabihin ba nun e gusto ko ulit silang makita, ehem 🙂 alam mo lenggai, sabi nila kapag napanaginipan mo daw yung mga taong sumakabilang buhay na, pwede din daw na hinahanap mo yung peace of mind mo… kaya naman payapa ang naranasan mo di ba? am sure ace is happy to have had a friend like you.

    awww…. yeah, he should be… ampft! joke! 😉

    sabagay, kelangan ko talaga ng peace of mind ngayon, pero sana nga dalaw na rin niya yun no? hehehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,695

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: