29
Nov
07

Oplan Isnabero

Sa wakas! Good news!

Habang inaabangan ko ang pilot episode ng Born to be Wild sa late night TV… Me balita tungkol sa Oplan Isnabero.

Ito yung proyekto ng DOTC-LTFRB ngayong December. Sumbungan ng mga pasaherong banas na sa mga mayayabang na taxi drivers… Yung mga buwitreng namimili ng ruta porke napakaraming naghahanap ng masasakyan sa malls. Buti nga sana kung pakikiusapan ka ng matino eh, kaso yung iba, talagang bastos. Porke no can do ang way mo, bigla na lang aabante, kulang na lang magulungan paa mo. At least have the decency to say No politely, di ba?

Tagal ko nang gustong rumesbak sa mga lintek na mga drayber na yan eh, trabaho naman nilang magsakay. Walang pilian dapat, pucha, sana nag-bus driver na lang kayo kung ayaw niyong napapalayo… At least para kang robot, nakatalaga na yung ruta niyo.

Para sa ikabubuti ng lahat, eto number ng DOTC-LTFRB HOTLINE:

7890

Sana nga me katuturan ang hotline na ito. Pramis, susulitin ko ‘to.

Humanda kayo mga isnabero!

Advertisements

4 Responses to “Oplan Isnabero”


  1. 11.29.2007 bandang 11:16 umaga

    nang-aaway talaga ako sa taxi kapag ayaw magsakay. kilala mo naman ako no.

    o kaya ang ginagawa ko, kapag ni-reject iyung ruta ko, isasara ko iyung pinto, pero mahina lang, para bukas pa rin siya, at iyung hinayupak na drayber ang mag-effort na magsara ng pinto niya.

    pareho tayo… kaya nga tayo prends eh… hehehe!

  2. 11.29.2007 bandang 6:22 hapon

    minsan, miss lenggai, napapalampas ko pa yung nagsasabing “kakain muna kasi ako, ser” o “pabalik na sana ako sa casa e” kapag di nila type yung lugar na sinabi mong pupuntahan ninyo… pero hate na hate ko to the max yung ayaw naman pala pero papasakayin ka pa rin tapos kapag umaandar na kayo e saka magsasabing… “dagdag na lang kayo sa bayad, boss. anlayo kasi ng pupunthan ninyo e. walang pasahero pabalik” (tapos di io-on yung metro)… Grrrr! gusto ko minsan maging si Torch ng Fantastic Four at biglang sumigaw ng “FLAME ON!” 🙂

    nakakatawa kasi di ba nga, curfew after nung mla pen sherpa… yung taxi driver daldal ng daldal na ang hirap kumuha ng pasahero dahil alang tao, yada, yada… tas biglang napasok yung tungkol sa pilian ng pasehero, kesyo nagiging maingat daw sila kasi mahirap daw talaga kapag malayo bahay ng pasahero, kaya nga raw namimili siya ng ruta… nag-init ulo ko! pinagsabihan ko tungkol sa oplan isnabero… natameme… 😉

  3. 12.01.2007 bandang 9:03 umaga

    Yari sila ngayon. Sana nga talagang magsipag manghuli ang mga lespu sa mga magugulang na taxi driver. Nakakainis talaga kasi yang mga yan eh!

    korak kuya kiks!!! humanda talaga ang mangrereject sa akin… hmp!

  4. 4 kengkay
    12.07.2007 bandang 6:42 hapon

    ay, ayan, nasulat ko na rin. daming garapal din lalo na kapag puti ang kasama, nagiging ginto ang taksi.

    Ay sinabi mo ate kenks!!! Kainisss…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,815

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Nobyembre 2007
L T M H B S L
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: