17
Dec
07

Bakit wala si Lenggai sa EB ng WPP…

Oo, aaminin ko… Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng eroplano sa Pinas nung Sabado, unang pumasok sa isip ko eh yung aking kama. Hindi yung kasal ng bespren ko o yung EB sa linggo, pero yung lambot at lamig ng sarili kong kama.

Nakatulog na ako… two days before ako makarating ng Pinas… pagkatapos mag-impake. Sabi ko sa sarili ko, nap lang eh. Malay ko bang didire-diretso hanggang sa pagtawag nung deputy ng Consul sa kuwarto ko para sabihing ako na lang ang hinihintay sa sasakyan namin.

Buti na lang kamo dun sa stop over namin, malamig. Kahit pa naglalangis na buhok ko, presko pa rin. Partida na rin yan kasi dalawang araw na akong nagtatae. Ako na goma na ang sikmura sa pagkain, nayari ng lintek na mga kamatis na yan! Siguro mga dalawang buwan akong hindi kakain ng pagkaing may salsa at keso…

Humigit-kumulang beinte oras ang biyahe namin sa eroplano… 12 oras na naglilibot sa stop over. Pag-uwi ko sa bahay, naligo lang ako saka dumiretso ng Tagaytay para sa kasal ng Bespren ko. Bago pa ako umalis ng bahay, sa sobrang kalituhan ko, nagamit ko pa toothbrush ng kapatid ko. Akala ko sa blog lang ni Jon Cab puwedeng mangyari ang ganung eksena, malay ko bang mararanasan ko rin yun?

Sa kasal, hindi ko trip yung make up ko. Sabi ng mga kasamahan ko, ok naman daw, pero nung pinakita ko kagabi sa kapatid ko yung litrato, mukha raw akong bakla… na Hapon… Hapones… Hapon… whatever!

Tumaba rin ako sa isang linggo kong nasa ibang bansa… Hindi ko maisara ‘yung zipper ng gown ko. Natapos ang gabi, nakababa ang kalahati ng zipper ng gown ko. Hindi rin ako naniniwala sa kapangyarihan ng fake eyelashes… Siguro dahil marami na akong kinober na gay performances sa gay bars, naaassociate ko ang fake na pilikmata sa mga bakla… Pero dahil karamihan sa mga abay, at pati ang bespren ko, naka-pekeng pilik, kinailangan ko pang magbayad ng 2k para maging “in.”

Isinumpa ko na ring wala sa talent ko ang pagho-host… Communication Arts graduate ako, pero simula nang humirit akong nagtatae ang isa naming kasamahan sa isang formal na awards night, itinatak ko na sa isip ko na never akong magho-host ng pormal na salu-salo ever. Pero dahil hinihingi ng bespren ko, wala akong nagawa kungdi pumayag. Kesehoda pang hiritan ako ng bespren ng asawa niya na, btw, eh isang professional host, na “consultant” lang daw niya ako sa gabing iyon…  Ampft!!!! Sinabi nang hindi ako marunong mag-host eh!!!

Overnight pa kami sa Tagaytay nung gabi. May inuman pa raw pero sumuko na ang katawan ko’t nag-collapse na ako sa kutson sa sala. Kinabukasan, breakfast, tapos libot-libot sa me Outlet store sa Sta. Rosa. Wala akong magawa kungdi maki-go with the flow sa mga kasabay ko pauwi, bandang huli, napabili na rin ako ng bag na sale sa Adidas.

Sa kotse ng kaibigan namin, wala na akong kapoise-poise na natulog. Iniisip ko kung aabot pa ako sa EB ng WPP, pero sa hitsura at kalagayan ng ulirat ko, baka matulugan ko lang yung mga tao dun…

Pasensya na Doc Joy, nagkapatong-patong na rin ang mga aktibidades ko ngayong weekend… Natanggap ko ang text mo, pero hindi ko na nasagot agad dahil sa mga oras na ‘yun, nasa panaginipan ako. Sana naging masaya ang EB ninyo, hihintayin ko na lang ang mga update sa blog ninyo…

Nawa’y sa Pebrero, kapag natuloy, sana makasama ako…

Advertisements

1 Response to “Bakit wala si Lenggai sa EB ng WPP…”


  1. 1 kengkay
    12.19.2007 bandang 2:01 umaga

    hay no problem, pati ako napagod habang binabasa ko itong post mo 😀 make sure magkita tayo sa pebrero. berdey mo yon, de vah. ako mag hosting anik anik, pramis.

    Maraming salamat, te kenks… ahm… pede bang kaw na rin mag-sponsor? kahit ako na ang mag-host… ahehehehe!!!! joke!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,695

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Disyembre 2007
L T M H B S L
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: