24
Dec
07

“Magic”-al Xmas

Kabubukas lang nung bagong Magic Sing sa bahay. Nagising akong nag-aagawan sina bunso at Mama sa mikropono. 

Tuluyan na ‘ata akong mahihiyang sa puyat, tatlong oras lang tulog ko tapos ngayon… eto pa’t may bago na namang libangan ang mga tao sa bahay namin… Para sa isang taong hindi mahilig sa videoke, hindi asset ang pagkakaroon ng Magic Sing sa sala…

Tapos niregaluhan pa ako ng Ipod Nano ng Tita ko galing Norway… Laking pasalamat ko dahil matagal ko nang pangarap magkaroon ng sariling Ipod… At kahit hati-hati kaming tatlo sa pangalan ng mga recipient, understood nang sa akin mapupunta yun dahil: 1. ako ang panganay, 2. may shuffle at mp3 na mga kapatid ko, 3. ako lang sa aming tatlong magkakapatid ang may kakayahang bumili ng charger, 4. dahil ako nga ang panganay. Hehehe.

Medyo bitin lang ang kaligayahan ko dahil may Ipod ako, pero wala namang charger. Kahit yung USB, MIA din. Nadenggoy ata. So ibig sabihin, dadagdag yun sa listahan ng to-buy ko sa bonus.

Tapos nagtetext na rin ang mga inaanak ko, actually mga nanay ng mga inaanak ko, dahil mga sanggol pa lang mga inaanak ko so di pa sila marunong mag-text. Iniisip ko tuloy kung dapat ba akong pumunta ng mall.

Sa sobrang barag ko this past few weeks, kahapon lang nag-sink in sa akin na pasko na. Ni hindi ako nakapamili ng panregalo. Ni hindi ako nakapamili ng pamaskong damit.

At bago ako makipagsapalaran sa Trinoma, post ko muna ang pasalubong ko sa mga ka-blog ko…

 Authentic na Quesadillas para sa mga nagpapasarap ng aking buhay-blagista… From Mexico, with love… Paligayang Masko!

Advertisements

1 Response to ““Magic”-al Xmas”


  1. 12.24.2007 bandang 4:50 hapon

    yung problema mo sa inaanak mo, gawin mo na lang yung ginawa mo sakin nung humiling ako ng regalo sayo galing mehiko.. in jpeg form ang ibinigay mo sakin… anong klase kang kaibigan!?

    Choosy… di pa ba sapat na naisip kita nung nasa Mexico ako’t nag-effort pa akong ilabas ang cellphone ko’t kunan ‘yung mga pinadala ko sayo… Hmp!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,815

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Disyembre 2007
L T M H B S L
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: