25
Dec
07

Bag-Mother

Paskong-pasko, sumasagot ako ng tag… Kung di lang talaga dahil sa paanyaya ng aking pinakamamahal na blag prend, Jon Cab, malamang ay nasa dreamland na ako sa mga oras na ito…

In fairview, nung simulan ko nang ilatag ang mga laman ng bag ko, naaliw naman ako kasi ngayon ko lang talaga na-analyze ‘to…

Therapeutic din para sa akin ang pag-aayos ng bag. Alam ng barkada ko ‘yan, nung una, naiilang sila kapag ginagawa ko ito sa public place, pero nung kalaunan, deadma na. Kahit kasi nasa kapihan ako o nasa foodcourt, kapag magulo ang utak ko’t kelangan ko ng clarity at sense of organization, ikakalat ko na lang yung mga gamit ko’t magpapapagpag ng looban ng bag… Kakaibang ginhawa ang nararamdaman ko kapag malinis na’t tanggal ‘yung excess baggage sa laman ng bag ko.

Anyway, sa dami ng mga bag ko, iisa yung paborito ko. Malayo na ang narating nito, from China (kung saan ko siya binili), to Korea, to Mexico… At sa karamihan ng mga coverage ko, ito ang maasahan kong bitbit…

At ito ang karaniwang laman niya…

Madalas, nahahati sa tatlong categories:

A. Work Essentials

Kapag pumapasok ako sa opisina, hindi puwedeng mawala ang mga ito.

1. Notebook – props… este, importante lalo na’t selective ang aking photographic memory…

2. Media ID – tsapa

3. Flash disk – pag me kokopyahin akong kanta mula sa mga editor ko… este, pang-file ulit… Mahalaga lalo na kapag gumagawa ako ng script.

4. Bolpen – sangkatutak minasan nailalagay ko sa bag ko. May kumakain kasi nito sa office. Kahit pa anong dami nito, sooner or later, mawawala sila isa-isa… Sabagay, karma-karma lang ‘yan, ang ilan dito, hindi ko kilala kung kanino ko napulot… Hehehe.

B. Must-Haves

Lahat ito, hinding-hindi mawawala sa bag ko. Nasa gimik man ako o trabaho… Maliban na lang siguro dun sa The Secret… Props lang madalas to. Sa tinagal-tagal ko nang binili ito, hanggang ngayon, di ko pa rin tapos… Ewan ko ba, naaaliw naman ako sa kanya.

1. The Secret – sinabi ko na sa intro

2. Payong – good for one person only, pero kapag lumalandi ako, puwede siyang maging for two… Hehehe. Kung sino man ang nagpauso noong High School sa konsepto na “cool” ang mga hindi nagpapayong eh deprived at wala lang perang pambili ng payong na matino. Nandamay pa! Isa ako sa mga nagoyo niyang theory na yan pero nung nasubukan kong maligo sa ulan nang naka-uniporme noong college, na-realize kong iyon ang “wet look” na hindi nakakalibog. Lalo na ngayong nagtratrabaho na ako. Ang hirap mag-blower ng buhok sa umaga, hahayaan ko lang mababad sa ulan?!

2. Wallet – ang buhay ko. Kapag nadekwat ito, pakiramdam ko, matatanggal din kalahati ng pagkatao ko.

3. Susi – dahil lagi akong madaling araw umuuwi (nood ng sine, kape, kyawkyawan… Minsan dahil din sa trabaho, haaaayyyy… Buhay-single!), hassle na ang magtawag ng taga-bukas ng gate. Madalas ding drained ang battery ng telepono ko kaya mainam na may baon akong susi.

4. Earphones – Dalawang klase yan. In-ear at yung regular na Ericsson earphones. Lagi kong gamit yung in-ear para hardcore kapag bumabayo na yung bass… Back-up lang yung isa kasi hindi ko kayang mawalan ng sounds kapag nababato. Minsan kasi nawawalan ng tunog yung in-ear, kakabatak ata. Bago ako nagka-ipod, cellphone ko ang inaabuso ko.  Mahilig kasi akong mag-sound trip, lalo na kapag long travel sa probinsya ang coverage. Minsan din, kapag nasa happy/bad trip state of mind ako, isa ako sa mga jologs na naka-earphones sa bus/fx.

C. Basics

Ibig sabihin, mamamatay ako pag wala ‘tong mga ito. Hehehe. HIndi man halata sa hitsura at kilos ko kapag nasa coverage, babae pa rin po ako.

1. Brush – hindi ako tao kapag wala ito. Pasaway kasi ang buhok ko, kahit pa inunat na ito.

2. Tissue – kalokohan ang paggamit ng facial tissue kapag nag-si-CR ka. Malambot siya pero hindi praktikal. Mas trip ko yung tissue na de-rolyo, para kahit saan, pamunas ng pawis (hindi na kasi ako nagpapanyo, aminado naman akong burara pagdating sa mga maliliit na dalahin, at naniniwala akong pag tumagal ng mahigit 12 oras ang panyo, puno na ito ng mikrobyong maaaring ikasira pa lalo ng kutis…),pamunas ng upuan, gamit, pwet, ke…

3. Baby wipes – supporting cast ng tissue. Pambanyo lang to. Pero kapag puyatan sa editing at seryosong namamanhid na ang mukha ko sa puyat, ito ang pang-“hilamos” ko.

4. Napkin/Panty Shields- yung una, importante lalo na kapag emergency… yung pangalawa, hindi na kinukuwestiyon yun, alangan namang iisa lang ang panty shields mo sa loob ng isang araw?! Yakers!

5. Clorets – hindi na rin kinukuwestyon to. Tao lang ako, napapanis ang laway, bumabaho ang hininga. Hindi sa lahat ng oras nakakapag-CR break ako.

6. Escada Sunset Heat – padala ng mabuti kong Tita, para kasing kulang ang get-up ko kung hindi ako naka-pabango. Ubos na rin yung Clinique Happy ko, pero kung me choice lang ako, bibili ako nun o di kaya yung Kenzo na Blue. Medyo natatapangan kasi ako rito, buti na lang bonus na.

7. Pampusod/Princess Headband – kahit pa madalas naman akong nakalugay, kumportable akong nandyan sila sa bag ko. Yung isa, sa kabarkada ko pa, hindi ko pa nasosoli. Yung headband, optional yan, kapag nagpapacute lang ako sa editing, ginagamit ko. Hehehe.

8. Kikay kit – patunay na babae po ako. HINDI rin puwedeng mawala ito sa bag ko, lalo na sa trabaho ko. Tsaka siyempre, you’ll never know kung sino ang makakadaupang-palad mo… Mabuti na ‘yung handa.

At ang mga nilalaman ng Kikay kit ko…

1. Neutrogena Deep Clean Facial Wash

2. Green Cross Isopropyl Alcohol – dapat talaga itong brand na ito, kasi nababahuan ako sa ibang brand… dito feeling ko ang linis-linis at ang bangu-bango ko…

3. Jergen’s Original Scent lotion – Opo, maarte na kung maarte, at kahit alam kong hindi na malabulak ang kamay ko, ginagamit ko pa rin ito.

4. Toothbrush at toothpaste- self-explanatory na tong item na ito.

5. Oil Control Sheet – Gatsby talaga ang the best, yung hindi powdered ha. Hindi ko ginagamit itong brand na ito, pag me humihingi at nagdadamot ako ng Gatsby, ito ang inooffer ko. Hehehe.

6. Compact face powder/foundation – self-explanatory na rin ito.

7. Powder Brush – Mas malandi kasi kapag naglalagay ka ng pulbo gamit ang powder brush… Hehe. Hindi na nga ako mahilig mag-make up, at least pagbigyan niyo na ako dun sa powder brush!

8. Tatlong klase ng lip gloss – para sa isang taong hindi mahilig mag-make up, kalabisan ang tatlong lip gloss…. Pero impulsive akong tao at ilan lang ito sa mga napagtripan kong bilhin nang minsan mapasyal ako sa Watson’s. Yung green, pang-editing, kapag sobrang lamig, o sobrang init ng panahon, me UV protection daw eh, yung orange, melon-flavored lip gloss ng Nivea, para at least, kapag me naka-date akong potensyal na kalaplapan, alam kong “matamis” ang halik ko, haha! At yung pink, pa-cute na kulay, substitute sa lipstick, mahal ko ang blending nito sa pulbo ko…

9. Eyebrow/eyeliner cake – ewan kung ganun  ba tawag dun? Pero pag nasa mood akong mag-ayos, kinakapalan ko ng bahagya ang kilay ko.

10. Mga hikaw – weirdo akong tao, tinatanggal ko hikaw ko lalo na kapag pauwi na ako. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit hindi tumatagal ng isang taon ang mga hikaw ko. Puwede na nga akong magtayo ng koleksyon nung mga nauna ko nang hikaw eh. Iisa na lang kasi ang natitira.

Ayan po ang laman ng bag ko. Karir na sagot yan ha kasi inisip ko talaga ‘yung purpose nila sa buhay ko.

At bago matapos ang pasko, para naman sa long overdue nang sagot sa tag ni Doc Joy, pasensya na Doc, matagal din akong naging busy: 

Mga inaanak ko…

1. Kamille

2. Jujuy

3. Jamaine

4. Anne

5. Miguel

6. Alex

7. Meron pa… sa grade school friend ko… i forgot the naaaammmmmmeeee!!!!

Meron pa yatang iba… Naku… Masama akong Ninang… Nakalimutan ko na ‘yung mga hindi ko nakikita ng madalas… 😦

Anyway, kapi-paste ko na lang yung rules ng tag na ito Doc Joy…  Sorry na, malilimutin po akong Ninang, pero sinisiguro kong mabuti po akong Kristyano…

This meme was created to remind us “Ninongs” and “Ninangs” the number of our godchildren and our responsibility towards them as they grow and mature as better Christians. Here are the rules:

  1. List all the names of your godchildren
  2. Tag at least 5 bloggers
  3. Update the Tag Train

The Tag Train Started Here – BluepanjeetJoyLenggai – “You” (Put Your Link Here) –

Tag ko naman mga barkada ko sa dalawang tag na ito: Jme, Jarli, Tops, Dx, and Lynda.

Advertisements

2 Responses to “Bag-Mother”


  1. 12.25.2007 bandang 10:36 umaga

    ye’y tenks sa pag sagot.. mamaya na ko magrereact, inaantok pa ko..

  2. 2 kengkay
    01.02.2008 bandang 3:59 umaga

    grabe, kung naging nanay ka pa nya, maleta na ang dala mo. pasilipin kita dun sa laman nung aking mommy bag
    http://homeworked.blogspot.com/2007/06/whats-in-my-bag.html
    asa english spokening blog ko sya e

    Nakita ko na. Te Kenks! Sa totoo lang, nahiya ako bigla… Pareho tayong packrat! hehehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,540

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Disyembre 2007
L T M H B S L
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: