13
Jan
08

Spoil Me Not

Ngayon pa lang, mapanatag na ang mga magtitiyagang magbasa ng post na ito:

Wala akong balak sirain ang viewing pleasure ninyo.

Katatapos ko lang manood ng I Am Legend kasama ang pamilya ko. Astig ‘yung pelikula, ang galing umarte ni Will Smith. Posible ‘yung mga scenario na pinakita nila, at oo, masarap manood ng sine kapag buo ang pamilya mo.

Kumpleto na sana ang viewing experience, pero mas maganda sana kung hindi mo alam ‘yung ending ng pelikula bago ka pa lang pumasok sa sinehan.

Nagsimula ang lahat sa isang ligaw na text message sa THE Jon Cabron. At habang pinagtatalunan pa namin ang qualifiers sa pagiging hitad ko RAW o hindi, naisipan niyang lambingin ako sa pamamagitan ng pag-text nung gist ng mangyayari sa character ni Will Smith.

As expected, umalma ako sapamamagitan ng pagtira sa kanyang “weak” spot… Ang kanyang tiyan. Pero kung inaakala niyo ay sapat ito para i-retract ang sinabi niya, hinddddeeeee!!!!

Lalo pa niyang dinetalye ang twist sa pelikula.

Naalala ko, ‘yung pinakamalalang spoiler na sinabi sa akin… ‘yung sa Sixth Sense… At tama si Jon… Ampanget ng pakiramdam na hinihimay mo ang bawat eksena habang iniisip: “Ito na kaya ‘yung sinasabi niya?”

Maihahalintulad mo nga siya sa pagbabasa ng Harry Potter 6 habang hinihintay mo na lang na mamatay si… O pagkakaroon ng surprise birthday party pero ikaw ang pinabili ng keyk…

Isa ang panonood ng sine sa mga bisyo ko… At OA na kung OA, pero nang-aaway ako ng mga sumusunod:

1. Mga taong nag-a-annotate sa bawat eksena

2. Mga taong nagbabasa ng cellphone na pagkaliwa-liwanag sa climax ng istorya

3. Mga kiti-kiting di mapakali at mahilig makuyakoy at magpatama ng paa sa likod ng upuan

4. Mga bastos na nananapak ng paa at di man lang nagso-sorry

5. Mga kumakain ng chips at pagkaingay-ingay na naglulukot ng wrapper habang ma-drama ang eksena

6. Mga kaibigan na dumbo na hindi maka-catch up sa plot at tanong ng tanong ng “‘Nung nangyari?”

7. Mga kaibigan na genius at mahilig mag-voice out ng kanilang “theory” sa mangyayari sa susunod na eksena

8. Mga dumbo na di maka-catch up sa plot at natutulog na lang. With matching hilik pa.

9. Mga malilibog na ginagawang motel ang sinehan.

10. Mga bata at baby sa sinehan.

Ok… Ok… maliban na lang nga sa mga bata. At mga matatandang annotator. At mga nagse-sex sa sinehan (nakakailang kasing manita ng nasa rurok na ng… ‘tever).

Pero hindi dapat nagkakaanak ang mga taong ganyan… At kung may anak na sila, sana maging bading at tibo paglaki.

Sori na.

P.S. Nag-sorry naman si Jon. At pinatawad ko na rin siya. ‘Yun nga lang, the damage has been done. Hindi ko naman pwedeng i-screen ang lahat ng text messages ko.

*** Pero hindi na rin ako magtataka kung magiging permanente na ang pagiging sira ng tyan niya. O bumalik ‘yung nana sa ano niya (Mahal pa rin kita, Jon, nang walang halong… ‘tever).

And oh…

Hindi talaga tama na magpakamatay si Will Smith! Hindi tamang ‘yung cure eh ‘yung dugo nung nahuli niyang bampira! At lalong hindi tama na namatay ‘yung asooooo!!!

Ooopsie…

Advertisements

4 Responses to “Spoil Me Not”


  1. 01.15.2008 bandang 6:47 umaga

    .. masama bang maglambing paminsan minsan?

    cariño brutal? shet.

  2. 01.15.2008 bandang 3:57 hapon

    siguro minsan yayayain kita manood ng sine… payag ka?

    puwede… 1. kung libre, 2. kung wala ka sa mga dumbo at genius na binanggit ko…

    ma-react ako sa sinehan dahil madali akong madarang… ako’y iyakin, kiligin, matatakutin at magugulatin… pero di ako nangingialam ng mga katabi ko…

    pero kung me balak kang bigyan ako ng spoiler… wag na… kung ayaw mong maging ngongo.

    and oh, nabanggit ko na ba?

    may dilang-anghel ako…

  3. 01.15.2008 bandang 9:32 hapon

    pwede ka bang sikmuraan, lenggai? hindi? k.

    what the hell did i do now?!

  4. 01.29.2008 bandang 4:25 hapon

    dito ko pa napanood ang I am legend. happy new year.

    hapi hapi 2008! (belated)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,815

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Enero 2008
L T M H B S L
« Dec   Feb »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: