21
Feb
08

Walong taon… at tapos na.

Sa tinagal-tagal kong hinintay ang panahong ito, sa wakas, dumating na rin.

Parang pag-eehersisyo… kailangan kong gawin nang paulit-ulit para mahiyang ako. Mahirap sa umpisa, pero ngayon, sanay na ako.

Kaya ko nang mawala ka.

Hindi mo naitatanong, mabuti naman ako.

Akala mo walang ipinagbago, pero simula nang tanggapin kong kailanman ay hindi na maaaring mag-krus ang landas natin, nagsimula na rin akong lumihis sa daang nakasanayan ko na.

Simulan natin sa pinakamababaw.

Kaya ko nang mabuhay nang iisa ang telepono. Dati kasi’y papalit-palit ako, kahit kuntento pa ako sa luma, inirereklamo ko. Para maibenta ko sa’yo. Para me dahilan na magkasama tayo.

Nanonood na rin ako ng series dahil sinusubaybayan ko ang kuwento, hindi dahil sa gusto ko, mapasaya ang pamilya mo dahil marami kang mahihiram sa akin. Oo, nakakahiya mang aminin, pero ultimo kaligayahan ko sa mga pinapanood ko, ibinatay ko na rin sa kung ano’ng trip mo. Hindi ko na nasundan ‘yung ibang serye na kinababaliwan ko dati, naaalala ko kasi ‘yung mga panahong pumupunta ako sa inyo para mapanood ang latest.

At sa pagpunta sa inyo, sa tingin ko, kailangan kong magpaliwanag tungkol dun. Nagtataka ka kung bakit ayoko nang dumaan sa bahay ninyo? Simple lang naman ang dahilan: hindi nakakatulong sa akin na makita ang mga nakabalandrang regalo ng mahal mo sa bawat lamesa at pasilyo ng bahay ninyo.

Parang demonyong tumutuntong sa simbahan, nasa entrada pa lang ako ng pinto ninyo’y para na akong sinisilaban.

At akala mo noon, nag-iinarte lang ako? Hindi mo man lang napansin ang bahagya kong pagngiwi sa tuwing tatama ang paningin ko sa litrato ninyong magkasama. Aminin mo man kasi o hindi, wala ka naman talagang pakialam sa akin.

Patawarin mo ako, pero hindi ko na kaya pang maging bulag sa mga senyales ng damdamin mong noo’y unti-unti nang lumalayo. Sinasakop na ng panaka-nakang litrato ninyo at mga I Love You na nakasulat sa maliliit na pigurin ang espasyong dati’y ako lang ang pumupuno.

Tanda ko pa, kung paano mo sinabi sa akin na mas mauuna pa akong makalimot sayo… na kulang ang buhay mo kung wala ako. Ilang beses rin akong pinangiti ng ala-alang ‘yon.

Pero tulad ng iba pang matatamis na sandaling pinagsaluhan natin dahil sa iyong “bugso ng damdamin,” lahat iyon… nauwi sa wala.

‘Yun lang naman ang pising kinapitan ko para manatili sa tabi mo. At naiwan na ako. Naiwan na ako, alam mo ba?

Sinubukan kong maging magkaibigan tayo… pero kahit iyon, hindi mo kayang gampanan nang may paninindigan. At nakakababa na sa akin.

Walong taon ng paghihintay. Ibinigay ko kahit hindi mo hinihingi. At tama na ‘yon.

Ang sugat, para gumaling, hindi kinakalkal, dapat tinatapalan. At sa tinagal-tagal kong sinasaktan ang sarili ko, manhid na ako.

Hindi na tama.

At wala ka pa ring pakialam.

Napakadali mong nakahanap ng iba. Masuwerte ka’t nandyan na siya. Ang sa akin ay kikilalanin ko pa. Medyo matagal ko rin kasing ipinahawak ang puso ko sa’yo.

At isinantabi mo lang. 

Ito na ang aking paalam… at sa tantiya ko, ito na ang huli.


4 Mga Tugon to “Walong taon… at tapos na.”


  1. 05.17.2008 bandang 9:35 hapon

    Walong taon? Napakatagal! Samantalang ako, limang buwan pa nga lang hirap na hirap na.. paano mo kinaya yun? Paano ka kumapit ng ganun katagal?

    http://hiraya.co.nr

    hindi ko rin alam… tanga nga eh.

  2. 05.19.2008 bandang 3:42 hapon

    sana hindi mangyari sa akin ito… hindi ko kayang magtiis at magpakatanga!

    gusto kong ma-offend pero oo nga naman, isang malaking katangahan ang nangyari… ipinagdarasal ko lang na sana, wag na maulit.

  3. 05.23.2008 bandang 3:45 umaga

    wow. anlupet mo. walang taon.

    bukod sa mejo may katangahan nga (pasensya wala akong maisip na ibang word) , tulad ng sabi ni olan, eh hanga din ako sayo, kinaya mo lahat ng yon para sa kanya, pero kelangan talaga nating umabot sa puntong magiging manhd na tayo, at kailangan na nating magmove-on.

    –napadaan lang, napahaba pa ata ang comment ko. hehe.


Mag-iwan ng puna


Fans ko sa ngayon...

  • 12,064

Comments, Violent Reax…

kengkay sa Bella For Sale
Carlo Marudo sa Happier days with Ace
sielynne pasco sa Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo sa My First Gay Hook-up
feth102 sa Ang Pussy ko
Pebrero 2008
L T M H B S L
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
2526272829  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.