06
Mar
08

Ang aking Maroon 5 experience…

Papa Jesus… maraming salamat po at hindi po bumagyo… nagka-kudeta o nataong peke ‘yung nabili naming tiket dun sa Maroon 5 concert kagabi sa Araneta… pramis, kung sakali pong naudlot sa pangalawang pagkakataon iyong pseudo-EB namin ng pinakamamahal kong si Adam, malamang eh magpapakatibo na lang po ako… tutal naman hindi niyo pa po ako binibigyan ng matinong boypren material… what’ll be the freakin’ difference, anyway?

Naknang… giling pa lang niya, ulam na! Nang ngumiti siya, ahahaaayyyy!!! Piyesta!!!

Ewan ko lang ha, pero wala naman akong ubo bago mag-concert, eh habang sinusulat ko na ‘tong entry na ‘to, di mawala-wala ‘yung plemang nakabara sa lalamunan ko… oo na, nasobrahan na ako sa kakasigaw dun sa Araneta… nasa punto na nga na wala nang breeding eh, kasi kahit wala pang chorus, napapatili na ako. Napapatingin ‘yung ibang makikinis at nakapokpok shorts na bruha sa harapan namin, pero wala akong pakialam! Pare-pareho kaming halos apat na libo ang binayaran para lang makita ng personal si Adam… walang pakelamanan kung trip kong tumili kahit wala sa timing!

Sana lang po, habang ninanamnam niya ‘yung sigawan ng mga fans niya, naririnig niya ‘yung panaka-nakang bato ko ng “Adam, you’re so hotttt!!!” o kahit ‘yung kabaduyan ng kapatid ko: “Adam Will Be Loved!!!” hango sa kanta nilang She Will Be Loved.

Ang panatika… at ang kanyang cleavage. Asa pang makikita ni Adam!

Sa widescreen na ilang dipa lang ang layo sa aming kinauupuan.

Sweetest goodbye.

Pumunta pala kami ng kapatid ko at barkada sa Ascend sa may Taguig pagkatapos ng concert. Sabi kasi ng isang very reliable source ko eh dun daw gigimik ang Maroon 5 after.

Ginamit siyempre ng kaibigan ko ‘yung mga koneksyon niya at nasama kami sa guest list, naghintay kami hanggang pasado alas dos ng madaling araw… walang Maroon 5 na dumating. Paseksihan ang suot ng mga babaeng gumigiling sa loob, me ibang naka-kuntodo kolorete pa, kahit ‘yung pinakamatabang gurlalu na nakita ko sa loob eh nakapang-club na costume… Iniisip ko, kung ganito ang mga sasalubong sa Maroon 5, anong panama ng rubbershoes at cleavage ko sa kanila? Di ba? Mukha akong hampaslupa sa gitna ng mga nagpopormahang mga kabataan dito… pero sakaling naabutan nga namin ang Maroon 5 doon, talo-talo na, magpapapiktyur ako! Eka… me mga trabaho ba sila o sinusustentuhan ng mga milyones ng magulang nila ‘yung pamomokpok gimik nila?

Maraming salamat ulit, Papa Jesus. Napakasaya nung concert. Di bale nang di na ako makalabas ng matino dahil wala na akong pera, sulit naman sa Maroon 5.

Ahm… biro lang po ‘yung sinabi namin ni Analyn na magpapapalit na kami ng relihiyon alang-alang sa Maroon 5.

Alam niyo naman po kami, solid… Viva Sto. Niño!

Advertisements

4 Responses to “Ang aking Maroon 5 experience…”


  1. 1 Reese
    03.06.2008 bandang 3:34 hapon

    AAAAIIIIIEEEEEE!

    Ate may hangover pa ko kay Adam Honey! Nakakalaglag everythin ang ngiti nya! Gusto kong kainin mata nya, dilaan leeg nya, at ukitin ang puso nya para mahawakan ko sa aking dalawang kamay at sabihing akin siya. =p Gawd. Adam Levine. You. Are. So. Fuckin. Hot. ^_^

    Ate pburn ng CD ha..Thankies!

    dahil kaibigan kita… papayag akong maghati tayo… pero exclusive na sa akin ang katawan niya… gad! mapalad tayo at napanood natin sila ng live!!!

  2. 03.12.2008 bandang 2:56 hapon

    wahahaha! nakakatawa to A! :)) pero mas nakakatawa si analyn! hehe! lam mo bang inaral ko pa talaga ung she will be loved sa guitar??!? lech!!!

  3. 03.12.2008 bandang 3:01 hapon

    grabe reese.. the language.. tsk tsk..

  4. 4 Reese
    04.02.2008 bandang 1:54 hapon

    Aaaiiieee! Dx! U shouldn’t read that! Cover ur eyes!

    Erm, ituring mo na lng na equivalent to ng “Hi gurlz” mo.^_^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,695

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Marso 2008
L T M H B S L
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: