23
Mar
08

Sodom en’ Gomorrah

Gahaplos sa balikat ang lalim ng tubig sa kinalalagyan ko.

Sinusuri ko ang dalampasigan at ang kumpulan ng mga taong pumaparoo’t parito. Huwebes santo pero ang tema sa paligid, parang piyesta.

Kung ito ang tinatawag nating panahon ng pagtitika, kapansin-pansing walang bahid ng pagdurusa’t pagninilay sa mga taong nasa paligid ko.

Hindi na ako magtataka kung sakaling sa mga oras na yun, mapikon si Papa Jesus at paulanan kami ng apoy at nagbabagang mga bato.

This is the life!!!

Naisip ko… saka payapang nagpalutang-lutang sa malasalaming tubig ng Boracay.

May nakilala rin ako. Si Arnold.

Mag-isa akong naglalakad pabalik sa hotel namin sa Station 3…

“Jonah!”

Ilang beses niyang inulit.  Napatingin lang ako nang bigla siyang tumabi at sumilip sa akin…

“Jonah?”

“Ahm… hindi ako si Jonah.”

“Ay sori, kala ko ikaw si Jonah, kahawig mo eh…”

Hindi siya umalis sa tabi ko. Nakipagkuwentuhan.

Ewan ko kung ano’ng meron nung araw na ‘yun, pero hindi ko siya binara. Binigay ko pa nga number ko. Pero hindi ko siya type. Mukha siyang stuntman at nung lumaon, hindi ko na nagustuhan kung saan tumatumbling ang usapan namin.

Magpapainom daw siya sa kuwarto niya sa hotel sa Station 1. Wala raw kasi ang mga kaibigan niya. Trip ko raw bang sumama?

Sabi ko hinihintay na ako ng barkada ko. Ihahatid daw niya ako. Sabi ko di na bale. Tatawagan daw niya ako ulit, bonding daw kami mamaya. Sabi ko bahala na.

Hinatak ko pababa ang sarong na nakasampay sa balikat ko. Bahagyang natakpan ang two-piece ko.

Na-gets siguro niya ang aking body language dahil ilang sandali lang, nagpaalam na siya.

Di bale na sigurong umuwi akong single pa rin sa Maynila… mas ok na ‘yun kesa mapuruhan ng stuntman sa Bora.

***

Sa walong araw na naging mapayapa ang buhay ko… kalahati rito ay ginugol ko sa pagpapatunay na kaya kong sustentuhan ang sarili kong bakasyon engrande.

Kalahating araw, inilaan ko sa pagtitika. Isa sa pagbubuhay-baboy at dalawa sa pagbababad sa internet. Hindi gaanong nakakarelaks, pero okay na rin.

Mabuti na ‘yon, kesa sa wala.

Advertisements

1 Response to “Sodom en’ Gomorrah”


  1. 03.24.2008 bandang 7:25 umaga

    yuck sa diskarte, seryoso.

    korak! engot naman ako pinatulan ko… trip lang naman, kahit alam kong walang kahihinatnan. buti na lang di na tumawag.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


Fans ko sa ngayon...

  • 10,695

Comments, Violent Reax…

kengkay on Bella For Sale
Carlo Marudo on Happier days with Ace
sielynne pasco on Christian Ace J. Pasco (1…
maverick ocampo on My First Gay Hook-up
feth102 on Ang Pussy ko
Marso 2008
L T M H B S L
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

RSS Twitter!

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.


My Lakbayan grade is A!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

%d bloggers like this: